Advertisers

Advertisers

Mayor Isko nagbabala sa mga pekeng parking attendants: 3 arestado

0 36

Advertisers

Nagbabala ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga motorista laban sa mga pekeng parking attendants na umano’y naniningil ng sobrang mahal na parking fee sa labas ng Rizal Memorial Stadium, sa kahabaan ng Adriatico Street sa Malate.



Sinabi ni Manila Mayor Francisco Moreno Domagoso na agad na kumilos ang Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (S.Ma.R.T.) matapos ang reklamong ipinadala sa Bilis Kilos Action Center kaugnay ng usapin.

“So my advice to everyone, if there is any suspicious charging or pretending to be authorized personnel, report it immediately to our Bilis Kilos Action Center or send a message to our social media accounts. We are listening and taking action,” aniya.



“We will not allow anyone to take advantage of our countrymen. There is a government in Manila,” diin ni Domagoso.

Ayon sa alkalde, tatlong suspek ang inaresto dahil umano sa paniningil ng sobra sa mga motorista para sa parking at sa kabiguang magpakita ng identification o patunay na sila ay awtorisado. (Jocelyn Domenden)