Advertisers

Advertisers

NBI buking mansion ni Sara sa Samal worth P60m!’

0 41

Advertisers

NITONG Lunes, Oktubre 12, 2026, ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director, Atty. Melvin Matibag, ang umano’y mga ari-arian nina Vice President Sara Duterte at kanyang utol na si Davao City 1st District Reresentative. Paolo “Pulong” Duterte.

“We are investigating this because we are following the pattern na na-establish natin sa [Rodulfo] Gracioso affidavit. Ibig-sabihin, may pera. Saan pumunta ‘yung pera? Dito lumalabas ngayon na ‘yung mga properties, ‘yung mga pera, inilalagay sa mga land banking and we are seriously looking into it,” lahad ni Matibag sa isinagawang press conference.



“That is already established, ganoon ‘yung naging practice ng mga Velasco. May allegations si Gracioso na may perang dinadala sa mga Duterte. Asan ‘yung pera? Ito ‘yung malaking posibilidad na ‘yung pera, nilalagay rito by land banking, by creating resorts, mansions,” paliwanag ng NBI Chief.

Sa SALN (Statement of Assets, Liabilities and Networth) ni VP Sara, may dineklara siyang resort sa Samal na nagkakahalaga lamang ng P900,000. Pero ayon kay Matibag, sa tantiya niya ay nasa P60 million ang pagpagawa sa napakagandang resort.



Kung susumahin lahat ng mga nabunyag sa Impeachment Trial, bilyones ang tagong-yaman nina VP Sara at ng kanyang mister na si Atty. Mans Carpio.

Pero kung magsalita si VP Sara, iginigiit n’yang simpleng buhay lamang siya, kumakain sa mga karendirya. Pero ang totoo, daan daang libong piso ang nagagastos niya ‘pag nag-shopping, kahit sa pagkain sa mamahaling restoran sa iba’t ibang bansa.



Kawawa ang Pilipinas kapag isa pang Duterte ang maging Presidente sa 2028. Peks man!

***

Nadale ng Philippine Drug Enforecement Agency (PDEA) ang isang illegal drug shipment na nagkakahalaga ng P278.8 million sa buy bust operation sa kahabaan ng Arca St., Barangay Mabolo, Cebu City, Linggo ng umaga, Oktubre 11.

Ito na raw ang pinakamalaking huli ng droga, 41 kilos, ng PDEA sa Central Visayas sa nakalipas na walong taon.

Ang tanong: Bakit hindi nahuhuli ang supplier ng bulto-bultong shabu na kumakalat dito sa Pinas, Mr. President?

***

Ang naarestong 29-anyos na Filipino-Moro, Diborason Fajad, ng Laos Airport authorities ay ipinanganak sa Marawi City.

Si Fajad, ayon sa datus, ay lumipad mula Manila to Singapore sakay ng PAL flight PR 509. Umalis ang eroplano sa Manila 7:45 ng gabi, dumating sa Singapore 11:45 ng gabi ng Sept. 30, 2026.

Naaresto si Fajad na may P3.5 billion halaga ng shabu Oct 1, 2026 sa Laos Airport habang papasakay ng isang US registered Lear Jet na lilipad patungong Maynila.

Nabuking ang lahat nang tumanggi ang mga piloto na isakay ang napakaraming maleta dahil mag-overload ang eroplano. Nang siyasatin ng airport authorities ang mga maleta, nabuking na 21 sa 23 maleta ay iligal na droga ang laman. Ang dalawang maleta ay mga gamot ang laman.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad ng Laos kasama ang PDEA. Subaybayan!