HIGIT 1,600 MAHIHIRAP NA ESTUDYANTE, NATULUNGAN EDUCATIONAL PROGRAMS NI REP. CHUA
Advertisers
MAHIGIT 1,600 mahihirap na mag-aaral mula sa ikatlong distrito ng Maynila ang nabiyayaan sa iba’t-ibang education assistance programs ng tanggapan ni Congressman Joel Chua.
“Para sa mga mag-aaral ng Distrito 3 ng Maynila, mula elementarya hanggang kolehiyo, tayo ay merong scholarship at educational assistance para makatulong sa inyong pag-aaral,” ani Chua.
Napag-alamang sa ilalim ng kanyang programang “Abot Kamay na Edukasyon, Tuloy-tuloy ang Hatid Ay Serbisyo,” karamihan ng most beneficiaries ay nailipat mula sa public patungong private schools.
Ang naturang mga programa ay nagbibigay din ng financial asistance para sa educational expenses ng mga mag-aaral at iba pang uri ng suporta upang matiyak ang patuloy ng pag-aaral ng mga scholars.
“So far, 1,114 Grade 11 and 12 students have received assistance via scholarship at the Espiritu Santo Parochial School since 2025. The CHED Smart Grant has 198; ARAL Program, 925; Nazarene Catholic School, seven and Holy Child Catholic School, 24. Additionally, the CHED Tulong Dunong, he added, has 1,000 beneficiaries,” ani Chua.
“Dahil ang edukasyon ay susi sa mas magandang kinabukasan, kasama ninyo kami sa bawat hakbang tungo sa inyong minimithing pangarap,” pagtitiyak pa ni Chua sa mga scholars at magulang nila.
Ayon pa kay Chua, ang kanyang tanggapang ay mayroon ding 875 beneficaries sa libreng TESDA courses para sa bread and pastry, housekeepong, caregiving, food and beverage service, cookery at computer system servicing. (JERRY S. TAN)