Advertisers
NATUKOY na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng 60 labi na narekober sa sunog sa MV June Aster noong Setyembre, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemi Ca-yabyab, natukoy na ng Philippine National Police Forensic Group ang pagkakakilanlan ng mga nasawi, habang nagpapatuloy pa ang proseso ng pagtukoy sa 11 iba pa.
Nakipag-ugnayan narin, aniya, ang Emergency Operations Center (EOC) sa Coron, Palawan sa mga pamilya ng 60 nasawi kaugnay ng proseso ng pagkilala at pagkuha sa mga labi.
Ayon sa PCG, nagtatag ang lokal na pamahalaan ng Coron ng one-stop shop assistance desk sa EOC upang mapadali ang pagproseso sa pagkuha ng mga labi. Bukas ito mula Lunes hanggang Huwebes, 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.