Advertisers
NASAWI ang isang media commentator nang pagbabarilin sa loob ng kanyang tindahan sa Daraga, Albay, Lunes ng hapon, Oktubre 12, 2026
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Daraga Doctor Hospital si Adrian “Golden Boy” Loterte, 47 anyos, anchor ng ‘Rabas Cun Rabas’ sa RBN New Television, ng Barangay San Roque, Daraga.
Ayon kay Colonel Allen Rae Co, PNP spokesperson, 4:10 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa inuupahan nito panederya sa Purok 4, Brgy. San Roque.
Nabatid na abalang nagbabantay ng kanyang tindahan ang biktima nang dumating ang riding in tandem. Nang makumpirma ng mga salarin ang target, pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Agad tumakas ang riding in tandem, sakay sa kulay itim at puting Honda Click patungo sa Brgy. Kimantong.
Isinugod ang biktima sa pagamutan nguni’t binwaan ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
Narekober ng mga otoridad ang 8 basyo bala ng kalibre .45, 3 basyo ng bala, 3 metal fragment at 1 lead bullet sa pinangyarihan ng insidente.
Sinabi ni Co na bumuo na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Police Regional Office 5 (PRO5) upang pangunahan ang pagsasagawa ng masusing im-bestigasyon sa nasabing insidente.
Isa mga posibleng motibo tinitignan ng mga otoridad ang kaugnayan sa trahabo ng biktima bilang isang radio anchor. Pero wala raw ito natatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay.
(Mark Obleada)