Advertisers

Advertisers

Brgy. Chairman sa Batangas pinagbabaril ng riding in tandem sa loob ng bahay patay

0 42

Advertisers

Patay ang barangay chairman ng Sta. Anastacia, Santo Tomas City, Batangas, matapos na paulanan ng bala ng hindi pa nakikilalang mga salarin na riding in tandem sa loob mismo ng kanyang bahay sa My Homes Subdivision ng nasabing lungsod dakong alas 6:00 ng umaga nuon Huwebes October 15, 2026.

Kinilala ang biktima na si Barangay Kapitan Dennis Austria 50 anyos, dating number one barangay kagawad sa lugar na pumalit bilang barangay chairman matapos italaga bilang city administrator ang kanyang pinalitan na dating kapitan ng barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng Sto. Tomas City Police Station, nagwawalis umano sa loob ng kanilang bahay ang biktima ng lapitan ng gun man at pinaputokan ng sunod sunod.Naisugod pa sa Saint Cabrini Hospital ang biktima subalit idineklarang Dead on arrival ng mga rumespondeng Doktor.



Mabilis na tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksyon ng Calamba City, Laguna. Nangako naman si Santo Tomas City Mayor Atty. Arth Jun Marasigan, na magbibigay ng pabuya sa sino man ang makakapagbigay ng impormasyon at pagkakakilanlan sa mga suspek na bumaril sa Barangay Chairman.

Nagpapatuloy ngayon ang hot pursuit at follow up operation ng mga awtoridad sa mga salarin habang inaalam pa ang tunay na motibo ginawang pamamaslang sa biktima. (Koi Laura)