Advertisers
KUMPIRMADONG nakalabas na ng bansa ang gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang sa pamamagitan ng “backdoor”, ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla.
Tumanggi munang magbigay ng karagdagang detalye si Remulla hinggil sa eksaktong petsa at paraan ng pagtakas ni Ang dahil patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Hindi rin muna isiniwalat ng opisyal ang huling natukoy na kinaroroonan ng negosyante habang pinaghahanap parin ito ng batas.
Wanted si Ang dahil sa kaugnayan nito sa pagdukot at pagpatay sa humigit-kumulang 34 sabungero na diumano’y nangdaya sa mga sabong na nakakabit sa kanyang negosyo noong 2021 hanggang 2022.
Inirekomenda ng Department of Justice ang paghahain ng 26 counts ng kidnapping laban kay Ang at sa higit 21 pang indibidwal, kabilang ang 15 pulis, matapos ibunyag ng isang testigo na sinakal at itinapon ang mga biktima sa Taal Lake sa Batangas sa umano’y utos ni Ang.