Advertisers

Advertisers

Kambal na sanggol ibinenta ni mommy ng P27K

0 33

Advertisers

MATAGUMPAY na nailigtas ng Southern Police District (SPD) at Taguig City Police Station ang walong buwan gulang na kambal na lalaki sa Candaba, Pampa-nga matapos ang serye ng operasyon laban sa human trafficking na nagresulta rin sa pagkakadakip sa tatlong suspek.
Nagsimula ang imbestigasyon sa sumbong ng lola ng mga bata nang ibenta ng sa-rili nilang ina ang kambal sa isang babaeng nakilala nito sa Facebook sa halagang P30,000 kasunod ng isang away-pamilya.
Ayon sa initial na imbestigasyon, si alyas “CMPF” ay nagpadala sa 24-anyos na ina ng P27,000 sa pamamagitan ng online transfer at nag-abot ng additional P3,000 na pera.
Unang nadakip sa San Luis, Aurora ang suspek na si alyas “CMPF” kungsaan nasagip din ang dalawa pang bata, bago itinuro ng suspek ang kinaroroonan ng kambal sa isang magkasintahan na kaniya ring pinagbentahan sa Pampanga.
Kasalukuyang nahaharap ang tatlong suspek sa mga kasong paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act at Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination.