Advertisers

Advertisers

Ombudsman: DoJ imbestigahan ang isyu sa kaso ni Lustre

0 32

Advertisers

DAPAT imbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang alegasyon na hindi pinadalhan ng subpoena ang beteranong mamamahayag na si Philip Lustre, Jr. bago siya hainan ng warrant of arrest kaugnay ng kasong cyber libel, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
“Kailangan maimbestigahan ng DOJ ‘yan kung anong nangyari bakit hindi dumating. Anong nangyari sa subpoena, anong nangyari sa documents na ipinadala sa respondent,” ani Remulla. Kailangan pag-aralan ng DOJ ‘yan na hindi na mangyari.”
Binanggit ni Remulla ang umano’y modus ng ilang naghahain ng kaso na magbigay ng maling address ng respondent sa mga prosecutor, na maaaring maging dahilan upang hindi matanggap ng mga ito ang mga abiso at iba pang dokumento kaugnay ng kaso.
“Eh dapat hindi nangyayari ‘yan. It should not happen. Kasi may ano ‘yung mga prosecutor na mag- due diligence. Meron din silang duty to contract due diligence,” ani Remulla.
Inaresto noong Sabado ng pulisya si Lustre sa Quezon City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng isang korte sa Davao kaugnay ng kasong cyber libel. Nakalaya naman siya noong gabi matapos makapaglagak ng P48,000 piyansa.
Si Lustre, author ng librong ‘Kill, Kill, Kill’ at kolumnista ng nat’l tabloid Police Files TONITE ay nasa 80 anyos na.
Ang nagsampa ng Cyberlibel kay Lustre ay ang mister ni Vice President Sara Duterte na si Mans Carpio matapos mag-post ang mamamahayag na nagsuka si Carpio ng P300m sa 18 maleta boys.