Advertisers
Ni Mercy Lejarde
Patuloy ang pagdating ng magagandang oportunidad sa singer na si Debbie Lopez, na kilala sa tawag na “The Radiance Icon” ng OPM.
Kamakailan lang ay nagwagi si Debbie bilang New Recording Artist of the Year sa katatapos na 17th PMPC Star Awards for Music.
At heto pa, panibagong tagumpay na naman ang nakamit niya matapos hirangin bilang October 2026 Indie Artist of the Month ng Escape Radio 2.0 sa USA.
Nakamit ni Debbie ang pagkilalang ito sa pamamagitan ng kanyang kantang “Tindog,” na nakakuha ng pinakamataas na boto mula sa mga tagapakinig matapos makipagsabayan sa limang iba pang independent artists sa naturang international radio station.
Masayang ibinahagi ni Debbie sa social media ang kanyang pagkapanalo at nagpasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya.
Ani Debbie, “WE WON! at the Escape Radio 2.0 USA. From the bottom of my heart, THANK YOU so much to everyone who took the time to vote and support ‘Tindog’! This victory belongs to all of us. Maraming maraming salamat sa inyong pagmamahal!”
Mapapakinggan na rin sa iba’t ibang major streaming platforms ang latest single ni Debbie na “Tindog,” na hango sa kanyang personal na karanasan, partikular sa pagbitaw niya sa kanyang first love matapos ang 27 taon.
At dahil tuloy-tuloy ang magandang takbo ng kanyang singing career, may dalawang magkasunod na concert na nakatakdang ganapin si Debbie.
Una na rito ang kanyang concert sa December 6 sa Viva Cafe, habang sa December 11 naman ay magiging special guest siya sa concert ng singer na si Richard Reynoso sa Teatrino Greenhills Promenade.
“So honored to be one of the special guests for Richard Reynoso’s concert this coming December 11, 2026, at Teatrino Greenhills Promenade!” pahayag ni Debbie.
At take note, bukod sa sunod-sunod na pagkilalang natatanggap niya, may isa pang ikinatuwa si Debbie. Nag-like kasi ang singer at aktor na si Ogie Alcasid sa poster ng concert ni Richard Reynoso.
Tuwang-tuwa si Debbie at nagpasalamat kay Ogie sa simpleng gesture nito.
“So grateful to Sir Ogie Alcasid for liking the poster for the Legendary Richard Reynoso concert!
“Thank you for noticing our journey, Sir Ogie. It means so much coming from a fellow OPM icon celebrity.
“Hope makapanood din kayo sa concert para makapicture po ako sa inyo,” sey pa ni Debbie.
Congratulations, Debbie! Deserve mo ’yan!