Advertisers

Advertisers

Richard Quan naniniwalang bilang aktor ay validation ang award, pero mas mahalaga ang hardwork, disiplina, at propesyonalismo

0 59

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ISA si Richard Quan sa masasabing underrated na aktor natin, pero hindi maitatatwang siya ay mahusay, versatile, at ilang dekada na ring bahagi ng mundo ng showbiz.

Muling pinatunayan ni Richard ang kanyang husay sa pagganap sa 42nd Star Awards for Movies nang magwaging Movie Supporting Actor of the Year para sa pelikulang “How to Get Away from My Toxic Family.”



Nang tanggapin niya ang award, nabanggit ni Richard na mas importante sa kanyang natamong award, ang message ng kanilang pelikula. Pinasalamatan rin niya rito ang lahat ng naging bahagi ng kanilang pelikula, pati na ang mga nasa likod ng kamera, lalo na ang kanilang direktor at co-actors niya.

“Sa aking direktor, direk Lawrence Fajardo, thank you so much for giving me a huge creative freedom sa proyektong ito. Marami po sa importanteng eksena rito ay improvisations lamang at in-enjoy ko iyon, maraming salamat Direk Law.



“Sa mga co-actors ko, I firmly believe that acting is reacting. Whatever performance you see in me, nagre-react lang po ako sa mga co-actors ko. It’s very seldom yung combination ng humility and great talents at iyon po ang naramdaman ko sa mga cast members dito. I have to mention Zanjoe Marudo and Ms. Susan Africa, and the rest of the casts, maraming salamat sa inyong propesyonalismo, humility, at great talents.”

Sa aming panayam sa aktor, inusisa namin siya kung ano ang naisip nang tanggapin ang pelikulang ito?



Aniya, “Very interesting yung character, excited din ako sa idea na si Ogie Diaz ang producer at story niya iyon. Plus, kasama si Zanjoe at Susan Africa. Interesting din na first time ko kay direk Lawrence Fajardo.

“Iyong story, personal sa akin, kasi ang daming toxic family talaga sa atin sa ‘Pinas, dapat maging aware tayo na dapat responsable tayo sa sariling buhay at pangangailangan natin, hindi ‘yung umaasa tayo sa iba.”

Nabanggit din niya kung gaano kahalaga ang award sa mga actor na tulad niya.

Esplika ni Richard, “Validation ang awards para sa akin, pero para sa akin, mas importante yung mayroon sa actor behind the awards. Like, deserve ba niya yun, yung hardwork at consistency, yung disiplina, propesyonalismo, keep on learning… etc, etc? Kailangan yung foundation, importante iyon, pati ang body of work, at reputasyon din.

“In fact, nangyari sa akin ‘yun, nanalo ako sa first movie, Pero dahil wala pang foundation, naging over confident, etc, hindi ko na-sustain yung acting career and by 2006 wala na akong offer.

“I learn it the hard way, na hindi trophy ang magsu-sustain ng career, kundi yung effort at hard work that you put into it,” diin pa niya.

Anyway, thankful si Richard dahil bukod sa kanyang latest acting award, patok ang kanilang seryeng “Sigabo” na tinatampukan ni Coco Martin.

Ano ang mga aabangang bagong pasabog dito?

“Bagong character, malalaking action scenes at major plot twist…

“Kaya sana ay abangan ng lahat ang Sigabo. Ginawa talaga ni direk Coco ‘yung teleserye para sa mga Pinoy, to be entertained and hopefully, to learn something about from sa kanilang pinapanood,” pakli pa ni Richard.