Advertisers
Hindi makitaan ang kagalingan ang maraming naitalaga sa tanggapan ng pamahalaan higit sa mga GOCCs at GFIs na ang ipinangangalandakan ang pagiging malapit sa nagtalaga, wow lang ha. Sa kagalingan sa serbisyo sa bayan, inilalapit sa GCG, sa CSC at DOF na magsagawa ng pagtatasa sa mga GFIs / GOCCs at alamin ang naiambag na kagalingan sa buhay ni Mang Juan. Sa totoo lang, ang pagtatasa’y pag-alam sa pagtalima ng mga tanggapan ng GOCCs / GFIs sa mandato at layon ng kasalukuyang pamahalaan, ang ganap na serbisyo sa bayan. Sa pagtatasa, marami sa mga banggit na tanggapan ang lihis sa serbisyo’ mandato at nakatuon sa kagalingan pananalapi. Walang pagtutuon sa ano mang tanggapan ngunit ang inilalapit sa magsasagawa ng pagtatasa, balikan ang mandato ng mga GOCCs / GFIs at tiyakin na isinasagawa ng bawat tanggapan. Ang paglihis sa mandato ganap na paglabag sa pagkakatatag sa banggit na mga tanggapan.
Sa pagsasaliksik, hindi maitatatwa na malinaw ang layon sa pagtatatag ng mga GFIs /GOCCs higit sa maiaambag sa pananalapi ng pamahalaan. Sa kabilang banda, malinaw ang mga mandato na ‘di maaring isantabi ang serbisyo sa bayan kapalit ng kaperahan. At sa totoo lang, serbisyo ang ganap na layon ng pamahalaan sa pagtatatag ng GOCCs / GFIs at pagpapalago ng kaperahan ay paniniguro na ‘di matitigil ang serbisyo kay Mang Juan at tao sa laylayan. Sa pagkakabatid, ang kumita’y ‘di ganap na layon hangga’t inaabot ng serbisyo ang sangay ng lipunan na pagseserbisyuhan. Sa pagkakabatid, masidhi ang mandato ng bawat tanggapang banggit, ang tiyakin na aabot sa tao ang serbisyo na banggit sa mga mandatong inatang sa bawat GOCCs /GFIs.
Sa nasilip, marami sa GFIs / GOCCs ang sala sa pagsunod sa mandato na dahilan sa pakiusap na magkaroon ng pagtatasa ang DOF, GCG at CSC. Sa totoo lang ka-pansin pansin ang paglihis sa mandato ng mga tanggapan ng mga nabanggit sa itaas na mahalagang mabatid maging ang kaayusan sa loob ng mga tanggapan na tila gatasan ng mga namumuno. Sa maraming pagkakataon, itinuturing na sarili ng ilang liderato sa mga tanggapang banggit ang korporasyong pinaglilingkuran na maging ang mga tustusin sa mga kabahayan ay ipinasasalo sa tanggapan, (ang EME). Sa totoo pa rin, hindi bago ang kaayusan ng paggamit ng EME na tila sariling kumpanya ang tingin ng mga namumuno sa mga tanggapan.
Sa pananaliksik, nasilip ang isang GOCC na Phil Guarantee Corp. na pinamumunuan ng isang Alberto Pascual. Sa totoo lang, mapalad si Mang Berto na ‘di natibag sa palitan ng mga pangulo ng bansa at napanatili ang pwestong tangan. Hindi batid ang palad, ngunit silip na ilang salang pasya sa hakbang na muling pagkuha sa dating kawani na sinipa dahil sa usaping administratibo. Hindi batid ang lapit ng dating kawani kay Mang Berto ngunit ibinalik bilang konsultant ang salang pasya. At sa paglipas ng ilang panahon, ibinalik bilang regular sa higit na mataas na pwesto at ang pinaka-salang pasya, higit sa takdang edad ang kawani na muling makabalik sa serbisyo sa pamahalaan. Walang pagtutol sa pagtatalaga, ang ipina-aabot ‘di sumunod sa tuntunin ng CSC sa pagkuha ng kawani sa takdang edad na dapat makapasok sa pamahalaan. O sadyang malakas kay Mang Berto ang kawani na isinusuka ng mga dating kasama.
Marangal ang pagpasok sa pamahalaan at ang minsang nagkaroon ng sala higit sa tanggapang unang pinaglingkuran ang magdalawang isip na muling ibalik ay sala. O’ sadyang matindi ang pagkakaibigan ng nagtalaga at itinalaga. Sa pagpapalalim sa pananaliksik, may usapin ang banggit na konsulsultant / na regular sa mga kawani ng PGC na dahilan sa pagkakasipa sa una. Ang masakit, dumami ang kawani na sumama ang loob na higit nagpalaki sa usapin ng ‘di pagkakasundo. Pasalamat si Mang Berto at ‘di ganap na tumindig ang mga kawani na naandap sa galaw at kalakasan ng pangulo ng PGC sa liderato sa pamahalaan. At sa totoo pa rin, maganda ang nakuhang grado sa nagawa ng tanggapan sa lumipas na panahon. Nakamit ang gradong “Very Satisfactory” , sa likod ng may 19 na kawani na binigyan ng “unsatisfactory rating ” dahil sa ‘di pag-ayon sa kilos o gawa ng pangulo ng PGC. Tanong paano na aabot ang VS gayung 19 ang UnSat na kabilang sa “operation department” muli ito’y tanong. PGC HR sumagot kayo. Ang masakit ilang kaperahan ang ‘di naibigay sa mga kawani na lantad ang pagtutol sa galaw ni Mang Berto.
Ang salang hakbang sa mga tauhan na ibig itama ang galawan ang dahilan sa paglalahad na nabatid sa pagsasaliksik sa banggit na tanggapan. Ang salang galawan ang dahilan o sanhi ng pagkasira ng loob ng mga kawani. Walang ibang pagnanais sa paglalahad dahil at ang tanging ibig, maitama ang mali at maituwid ang salang galaw ng liderato ng PGC at ng ilang tanggapan na may kaparang kalagayan. Sala ang namumuno na ituring kanila ang tanggapan gayung pansamantala ang pagkakaupo o pagkakatalaga. Sa totoo lang, kahit matagal sa panunungkulan, sala na ariin ang ‘di kanya higit ito’y sa pamahalaan. Ang paglapit sa DOF, GCG at CSC na tasahin ang kaganapan sa mga GOCCs at GFIs ang hakbang ganap na mapakinabangan ng bayan ang serbisyo na inatang sa mga banggit na mga tanggapan, di ba Mang Juan.
Sa kabilang banda, sala na ang galaw ng isang Bangko sa Lupa na pag-aari ng pamahalaan na lumihis sa mandato na sa halip natutukan ang pag-aalaga sa mga magsasaka, tila higit na nagigiyang sa pagpaparami ng salapi. Ang balikan ang mandato ng mga tanggapan sa GOCCS at GFIs ang ipagawa sa mga tanggapan na kabilang sa grupong banggit. Sa huli, ibig ipatuwid sa DOF, GCG at CSC ang salang pamamahala ng mga liderato na ‘lumihis sa mandato ng pinaglilingkuran higit ang tuntunin na nakasaad sa CSC. Itigil ang panunuwag sa mga kawani higit sa mga rank-and-file na iniipit maging ang benepisyong kaperahan. Ang pag-papaabot ng mga hinaing sa pamunuan ng bawat tanggapan ay ‘di labag sa tuntunin sa patas na pagtingin sa batas. Ang makiling na liderato sa mga tanggapan ang salang galaw na dapat isantabi ng mga namumuno. Sa halip bigyan halaga ang ambag ng bawat kawani na sumusunod sa nakatakda at sa mandato ng tanggapan.
Maraming salamat po!!!!