Advertisers

Advertisers

ALEX EALA, BALIK-FOCUS SA TENNIS

0 37

Advertisers

UMAKYAT sa World #17 (from World 1190), bawi mula #19 ang rank ni Tennis Ace ALEXANDRA ‘ALEX’ EALA sa pagbabalik ng focus sa Tennis, makaraan ang successive three (3) losses sa nagdaang 2026 WUHAN OPEN Round of 64. Natalo si ALEX, World #19, (6-3-3) vs SHI HAN (4-6-6) ng China, World #217 at eliminated sa 3-set battle, 1st round.

Isinisi ang consecutive losses ng Tennis star sa pagkakasama sa ilang entertainment activities na umagaw umano ng focus at napabayaan ang training. Hindi maitatanggi ang high popularity at hatak ni ALEX sa public, to think na bukod sa husay ay may maioagmamalaking talent sa dancing, singing at artistic guts, plus factor pa ang face card, tangkad at appealing body movements kahit pa anong galaw habang naglalaro ng Tennis.

Sa update, latest balik panalo, wagi si ALEX vs EMERSON JONES, 2nd & Final sets, (6-4, 6-3) sa Hong Kong Open 2026. Round of 32 para umabante sa Round of 16, as of writing.



Hindi nga surprising na maisama sa celebrity circle tulad ng sa Paris Fashion World ang sikat na Pinay Tennis champion at mapanood sa entertainment shows/interviews. Sa 3 successive losses of course, pinutakti ng bashers ang Tennis star particular sa social media.

Masakit lang ang mga bato ng bashers tulad ng ‘ Biglang sikat lang Yan!” ‘big, big head agad’ samantalang… siya pa lang naman ang first tennis player ng Pinas na record breaking ang performance sa maraming beses na panalo laban sa malalaking atleta ng ibang mga bansa to reach World#17 now.



Hindi biro at maraming hirap ang dinadanan bago makapagbitbit ng medalya ang atleta ..pero mas marami ang talo ng iba at mabibilang sa daliri ang may naibubulsang medalya, Kunsabagay, ang bemedalled gymnast at double gold champion for 2 times sa Olympics na si Golden Boy CARLOS EDRIEL YULO ay mas pinuputakti ng bashers, win or lose, not surprising to see ALEX na danasin ang ganito sa sunud-sunod na talo.

Ngayon sa update, balik na ang focus ni ALEX sa laro na hindi naman nawawala ang galing, kung may mga talo man na natural lang sa bawat atleta. Huwag na po sang sisihin at suportahan na lang natin especially sa prayers and well-wishing moves.



At very early 20’s, marami pang laban ang haharapin ng Tennis star nating si ALEX at lahat ng Pinoy pride athletes. Sana lang po, patuloy tayong sumuporta sa laban ng mga Atletang Pinoy sa goal na ipagmalaki ang PH flag at Lupang Hinirang sa World Stage. Whatever, ang makasali.sa PH team ay hindi biro na pinupuhunan nila ang lakas, husay at giting- Pinoy. Salute at salamat po sa followers, supporters, sponsors at Sports entities. Pray for more victories lang po!

***
NOVEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to SAMUEL ANDERS RIVERA ALEJO of Pugadlawin, QC, to IEAN CHAD SANTOS of Bataan/Cabanatuan City), LEONORA SANTOS GATBONTON and MACART BALTAZAR of Bataan, Sir ERDILITO GARCIA & ROWENA MEDINA BAYLON (LFIS), ANALIE MAGTULIS (SanFe), GERAMIE GEDE (abroad) & Sir JUSTO BEDAN JR (AUPC). MBTC! Best blessings. HAPPY READING!