Advertisers

Advertisers

2 opisyal ng BJMP ipinatawag ng Sandigan sa ‘paglabas’ ni Romualdez sa kulungan

0 37

Advertisers

IPINATAWAG ng Sandiganbayan Third Division ang ilang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kasunod ng mga alegasyong nakakalabas ng kulungan si dating House Speaker Martin Romualdez.
Ang Third Division ang may hawak sa kasong plunder ni Romualdez na nag-ugat sa umano’y kickback mula sa mga proyektong pang-imprastraktura na nagkakahalaga ng P7.44 bilyon.
Ayon kay Third Division Clerk Of Court Dennis Pulma, inatasan ng korte sina Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion at medical officer Henry Fabro, kapwa mula sa BJMP City Jail-Male Dormitory, na humarap sa pagdinig nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Sinabi ni Pulma na ipinatawag ang dalawa upang alamin ang kasalukuyang ka-lagayan ni Romualdez sa BJMP Payatas “in light of the recent online news articles.”
Nag-ugat ito sa nasagap ng beteranong brodkaster at ko-lumnista na si Mon Tulfo, na nagsabing, batay sa kanyang source, dinadaan sa backdoor stairs si Romualdez kungsaan may naghihintay na ambulansiya.
Dagdag pa niya, pinapatay ng jail warden ang kuryente sa buong pasilidad tuwing lalabas at babalik si Romualdez upang hindi makunan ng CCTV.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni BJMP Chief Efren Nemeño ang agarang imbes-tigasyon sa umano’y palihim na paglabas ni Romualdez sa New Quezon City Jail.
Nauna nang itinanggi ng kampo ni Romualdez ang alegasyon.
“This report is totally untrue,” maikling pahayag ni Atty. Jose “Judd” Roy III, lead counsel ng Leyte 1st District representative.
Binawi narin ni Tulfo ang kanyang ulat, sinabing nakuryente siya, nabigyan ng maling impormasyon.