Advertisers

Advertisers

MON TULFO ‘NAKURYENTE’ SA PAGLABAS-MASOK SA SELDA NI ROMUALDEZ

0 40

Advertisers

INAMIN ng veteran columnist na si Ramon “Mon” Tulfo na nagkamali siya sa pagpapakalat ng impormasyong nagsasabing nakakalabas at nakakapasok sa kulungan gamit ang ambulansiya si dating House Speaker Martin Romualdez.
“One of the most embarrassing and humiliating experiences as a journalist is to admit that nakuryente ako,” pahayag ni Tulfo nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Paliwanag niya, nakatanggap siya ng maling impormasyon at tinanggap ito bilang totoo bago ibinahagi sa kaniyang mga mambabasa.
Nag-post kasi Tulfo na nakatanggap siya ng impormasyong palihim na paglabas ng dating House Speaker sa New Quezon City Jail-Male Dormitory sa Payatas.
Ayon sa beteranong kolumnista, kasama sa impormasyong ipinasa sa kaniya ang detalye na gumagamit si Romualdez ng ambulansiya sa paglabas ng kulungan at sinasamantala ang mga brownout upang hindi siya makita.
Gayunman, sinabi ni Tulfo na nang makuha niya ang mga impormasyon at detalye noong nakaraang araw, napagtanto niyang walang katotohanan ang naturang ulat.
“No such thing happened when the facts started coming in yesterday. It was fiction. I goofed. No excuses,” paha-yag ng kolumnista.