Advertisers

Advertisers

AFP: 80 Chinese vessels namonitor sa WPS nitong Oktubre

0 37

Advertisers

NASA 80 Chinese warships at coast guard vessels ang namataan ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS) nitong kabuuan ng Oktubre.

Mas mababa ito sa naitalang 101 Chinese sea vessels na namataan noong Setyembre, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Martes.

Sa pagdedetalye ni AFP spokesperson for the WPS na si retired Rear Adm. Roy Vincent Trinidad, kinabibilangan ito ng warships mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG) vessels na na-monitor sa apat na pangunahing maritime features ng nasabing dagat.



Sa Ayungin Shoal, 24 sea vessels ang namataan kung saan 13 dito ay mula sa PLAN at ang nalalabing 11 ay mula sa CCG.

Sa Bajo de Masinloc, 41 sea vessels naman ang na-monitor kung saan 11 dito ay mula sa PLAN at ang 30 naman ay CCG vessels.



Sa Escoda Shoal, 11 sea vessels ang namataan. Walo ay mula sa PLAN at ang tatlo naman ay pagmamay-ari ng CCG.

Sa Pag-asa Islands, apat na sea vessels naman ang na-monitor kung saan ang isa ay pagmamay-ari ng PLAN at ang nalalabing tatlo ay mula naman sa CCG.



Ayon kay Trinidad, malinaw sa mga naiulat na pigura ang aniya’y patuloy na pagsagawa ng China ng ilegal, koersibo, agresibo, at pagiging mapanlinlang maging ang labis nitong paglabag sa rules-based international order at maituturing akto ng paghamon sa sovereign rights at jurisdiction ng Pilipinas sa maritime domain nito.

Iginiit din ni Trinidad na ang patuloy na paglabag ng mga ito ay lalong nagpapalala ng tensyon sa pagitan ng dalawang panig kung kaya’t higit na mas mahalaga ang patuloy na pagbantay rito.