Advertisers

Advertisers

Pagsasapribado sa operasyon ng LRT-2 sisimulan bago matapos ang Marcos admin; singil sa pasahe ‘di tataas – DOTr

0 42

Advertisers

ISASAILALIM na rin sa privatization sa pamamagitan ng Public-Private Partnership (PPP) ang operasyon ng LRT-2 upang matugunan ang tumitinding kakulangan sa mga biyaheng tren at maintenance issues.

Kinumpirma ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ang naturang hakbang ay upang mapataas ang antas ng serbisyo at madagdagan pa ang mga operational train sets para sa mga commuter na sumasakay mula Recto hanggang Antipolo.

Batay sa datos ng DOTr, aabot sa apat na libong commuter ang bumibiyahe tuwing peak hours, simula 6:00 a.m. hanggang 8:00 a.m., dahilan upang hindi na kayanin ng kasalukuyang sampung tren ang komportableng biyahe ng mga pasahero.



Sinabi pa ng kalihim, kulang din kasi ang budget ng ahensya at aabutin pa ng tatlo hanggang apat na taon kung bibili pa ng mga bagong tren.

Klinaro naman agad ni Dizon na hindi dapat mangamba ang publiko dahil mananatiling gobyerno ang magtatakda at magreregula sa singil ng pasahe upang maiwasan ang biglaang pagtaas nito.



Ang nakatakdang privatization ng LRT-2 ay planong masimulan bago matapos ang administrasyong Marcos, kasunod na rin ng nakaplanong pagsasapribado sa MRT-3 pati na ang ilang airport sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">