Advertisers
BINAWI na ng beteranong broadcaster na si Ramon “Mon” Tulfo ang kanyang post tungkol sa umano’y paglabas ni dating House Speaker Martin Romualdez sa New Quezon City Jail, batay sa salita ni Interior Secretary Jonvic Remulla, pero hindi pa raw niya nakikita ang CCTV footage na pinagbatayan nito.
Sinabi ni Tulfo na si Remulla ang tumawag sa kanya matapos lumabas ang post.
“He was the one who called me,” aniya.
Ayon kay Tulfo, sinabi ni Remulla na mali ang impormasyon dahil walang ganoong pangyayari sa mga CCTV footage.
“When that came out… tumawag sa akin si Secretary Remulla, si Jonvic saying, ‘Mali ‘yang kuwan mo… information mo.’ ‘Bakit mali?’ ‘Because sa CCTV wala ‘yong footage, wala talaga ‘yong ganoon na nangyayari. Otherwise makikita’,” ani Tulfo.
May mga footage umano sa selda at sa hallway.
“My report that he would… he always got out of… was incorrect,” wika ni Tulfo.
At hindi parin nakita ni Tulfo ang mga footage.
Ipinaliwanag niyang naging batayan ng tiwala niya sa sinabi ni Remulla ang nakaraan nilang palitan ng imporma-syon.
Madalas daw kasi niyang ipa-check kay Remulla ang mga natatanggap niyang impormasyon at sinasabi nito kung totoo o hindi.
Bukod kay Remulla, sinabi ni Tulfo na may mga inmate ring nagsabing hindi totoo ang kanyang post.
Nang tanungin si Tulfo kung hindi ba siya nagduda na maaaring pinagtatakpan lamang ni Remulla ang anumang special treatment kay Romualdez?
“Si Jonvic has been very forthright with me,” sagot ni Tulfo.