Advertisers

Advertisers

Utak ng kidnap for ransom sa Cavite hawak na ng NBI

0 39

Advertisers

HAWAK na ng National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crimes Division (NBI-OTCD) ang itinuturong mastermind ng isang kidnap-for-ransom group na nambiktima ng isang pamilyang Chinese sa isang private resort sa Alfonso, Cavite.
Ibinahagi ng NBI Agent-to-Case na pinasok ng grupo, na nagpanggap bilang mga law enforcer, ang nasabing resort at tinangay ang humigit-kumulang P2 milyon na halaga ng cash at mga personal na gamit kabilang ang mga pasaporte ng mga biktima.
Hindi pa nakuntento ang mga salarin at muling humingi ng karagdagang P500,000 bilang kapalit ng pagbabalik ng mga pasaporte.
Nang magkasa ng entrapment operation ang NBI, nagresulta ito sa pagkahuli ng dalawang salarin sa Maynila at ng mismong mastermind sa kaniyang kinaroroonan sa San Pablo City, Laguna.
Kasalukuyang nahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang na ang Kidnapping for Ransom ang 11 indibidwal na sangkot sa modus.
Pormal naring sinampahan ng demanda ang pitong (7) active police officers na umano’y kasabwat sa illegal na operasyon.