Advertisers

Advertisers

Claudine Barretto itinangging hindi si Boss Toyo ang lalaking nangungulit sa kanya

0 34

Advertisers

Agad na itinanggi ni Claudine Barretto na si Boss Toyo ang tinutukoy niyang lalaking nangungulit sa kanya matapos siyang makatanggap ng samu’t saring espekulasyon mula sa netizens.

Nagsimula ang lahat nang maglabas ng saloobin ang aktres tungkol sa isang lalaking may karelasyon ngunit tila handang iwan ang partner nito para lamang sagutin siya.

“Ok ako makipagkaibigan sa kahit sino. Pero kung may partner ka at willing mo siyang iwan if sagutin kita malabo ‘yun. Sorry but I will never be the cause of another woman’s pain,” saad ni Claudine sa kanyang unang post.



Sa halip na manatili sa mensahe ng aktres, may mga netizen na nagturo kay Boss Toyo bilang posibleng pinatutungkulan nito.

Lalo pang nadugtungan ang espekulasyon dahil kamakailan lamang ay magkasama silang dumalo sa “The New Nocturnals” Halloween event ni Raymond Gutierrez, kung saan nag-escort ang vlogger-memorabilia collector kay Claudine.



Gayunman, nilinaw na noon ng aktres na magkaibigan lamang sila.

Para tuluyang matigil ang pag-uugnay kay Boss Toyo sa kanyang post, naglabas muli ng pahayag si Claudine at tahasang sinabing hindi ito ang lalaking tinutukoy niya.



“Regarding sa Post ko po.Wala po akong pinangalanan. i just want to make it clear na hindi po ang kaibigan kong si Boss Toyo ang tinutukoy ko.Naglabas lamg ako ng saloobin ko.Pasensya na Besh Boss Toyo at Loves Jhoy i hope tigilan nyo po ang pag tag sa kanya coz ayoko maging cause ng gulo ng isang Pamilya.kaya nga po ako nag post ng ganun para tumigil yung lalaking nangungulit sakin.Besh pasenya na at sorry nadamay ka pa.let’s all not be quick to judge.wag po tayo maging cause ng haka haka at pamilya na pwede masira dahil sa nag gu guess lang tayo. thank you & Godbless you all,” paliwanag ng aktres.

Dahil sa paglilinaw na ito, itinuring ng ilang netizen na “inabswelto” na ni Claudine si Boss Toyo sa mga hinalang ibinabato sa kanya.

Sa ngayon, hindi pa rin pinapangalanan ng aktres ang lalaking sinasabi niyang patuloy na nangungulit sa kanya.

May mga netizen namang nais malaman kung sino ito upang matigil na rin umano ang pangungulit sa kanya.