Advertisers

Advertisers

ZIA AT DAHLIA, MAY PASABOG SA RECITAL

0 45

Advertisers

Ni Beth Gelena

Hindi lang basta cute na pagtatanghal ang pinag-usapan sa recital nina Zia Dantes at Dahlia Heussaff.

Kapansin-pansin din sa netizens ang husay at improvement ng dalawang bagets, lalo na’t nasa murang edad pa lamang ay nahahasa na ang kanilang talento sa pagkanta.



May netizen pa ngang tila ipinagmalaki ang musical genes ng dalawang bata, sabay patutsada sa mga hindi raw naniniwalang puwedeng sumikat ang mga anak ng celebrity moms na hindi naman kilala bilang professional singers.

Aniya, may platinum record award ang isa at sold-out concert naman ang isa. Kaya naman, tila ipinasa na raw nina Marian Rivera at Anne Curtis ang entablado sa susunod na henerasyon.



Pero higit sa biruan, marami ang humanga sa improvement ni Zia mula nang magsimula itong mag-voice lessons.

Puring-puri si Dahlia dahil first recital pa lamang daw nito ay agad nang sumabak sa malaking entablado.



May netizen pang nagsabing mas marami pang kayang ipakita ang dalawang bata dahil malayo pa ang kanilang mararating sa larangan ng musika.

Napansin din ang pagkakahawig ng dating at style ni Dahlia sa international pop star na si Olivia Rodrigo.

Ang iba ay nagbigay rin ng ibang pananaw sa usapin ng talent development.

Aniya, hindi daw lahat ng magulang ay may kakayahang magpaaral ng anak sa professional voice coaches.

Sang-ayon naman dito ang isang netizen at sinabing hindi naman kailangang mamahaling training ang sukatan ng suporta ng magulang. Malaking bagay rin daw ang oras, encouragement at pagbibigay ng pagkakataong ma-explore ng mga bata ang kanilang talento.

Pero siyempre, hindi rin nawala ang paghahambing sa ibang celebrity offspring. May isang netizen na idinawit pa si Kakie Pangilinan at ang ina nitong si Sharon Cuneta, na sinabihang dapat daw ay mas maagang nabigyan ng maayos na voice training.

Hindi raw kasi magandang pakinggan ang boses ni Kakie at nawawala raw ito sa timing.

Gayunman, mas kapansin-pansin sa mga komento ang paghanga sa dalawang bagets na tila unti-unti nang nagpapakita ng sariling kakayahan sa musika.

Mukha raw may ibubuga ang dalawang bagets sa music industry at ito ang kabilang na abangan sa susunod na henerasyon ng showbiz!