Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
HANGA kami sa mahusay na komedyante na si Gene Padilla. Hindi kasi siya suplado at mayabang.
Nagkasabay kasi kami na nagpa-facial.
Nauna akong dumating.
Si Gene, nung dumating na, ay ipinwesto sa bed na malapit sa akin, pero hindi pa kami nagkikita.
Nung pini-facial na siya, naririnig ko ‘yung pag yusap nila ng facialist niya.
Nabanggit niya na maaga ang call time niya, 5:00am para sa shooting niya with Baron Geisler.
Tinanong ko yung gumagawa sa akin kung sinong artsta yung pini-facial.
Sabi niya si Gene Padilla. E, magkakilala kami.ng personal ni Gene kaya tinanong ko sa facialist ko, na sinadya ko talaga na iparinig kay Gene, kung suplado siya. E narinig nga ni Gene yung tanong ko, kaya sumagot sjya na hindi siya suplado
Tapos, tinanong ko siya kung kamusta sila ni Claudine Barretto, ang sagot niya, ‘magpa- facial na lang po tayo.’
Alam niya siguro na ang isusunod kong kakamustahin sa kanya ay ang pamangkin niya na si Claudia, na anak ng kuya Dennis niya.
Hindi sila in good terms nito at hindi rin in good terms si Dennis kay Claudia.
After ko magpa-facial ay nilapitan ko na si Gene na hindi pa tapos. Sabi ko pa-picture ako sa kanya. Pumayag naman siya, after daw niyang gawin
Nung natapos na siya at tumayo, nagulat siya na ako ang kausap niya. Pinrank ko raw siya. Hahaha!
Anyway, ang role ni Gene sa movie nila ni Baron ay bilang tauhan nito.Boss niya si Baron. Na ayon kay Gene ay wala pang title ang pelikula.