Advertisers

Advertisers

Sandiganbayan tinabla ang hirit ni Pogi ibasura ang kanyang kaso

0 17

Advertisers

IBINASURA ng Sandiganbayan 3rd Division ang ‘Motion for leave to file demurer to evidence’ na inihain ni dating Senador Bong “Pogi” Revilla, Jr. at ng kanyang mga co-accused sa kasong ‘Malversation’ kaugnay ngh P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ang naturang mosyon ay inihahain kapag naniniwala ang akusado na hindi sapat ang ebidensiyang inilatag ng prosekusyon upang patunayan ang mga paratang laban sa kanila.



Ang dating senador ay pansamantalang nakalalaya at nakapagsasabong, ehek! matapos itong payagan magpiyansa ng P1 milyon ilang buwan na ang nakararaan.

Sa pagbasura sa kanilang mosyon, magpapatuloy ang paglilitis sa kaso sa Nobyembre 24, kungsaan inaasahang ilalahad ng kampo ni Pogi ang ang kanilang mga testigo at ebidensiya.



Subaybayan!

***



Nakakabilib itong Bise Presidente ng Indonesia na si Gibran Rakabuming Raka. Nagbitiw ito sa tungkulin matapos kuwestyonin ang kanyang edukasyon.

Ang ginawa ni Raka ay inihambing naman kay Vice President Sara Duterte-Carpio, na sa kabila ng mga akusasyon ng korapsyon at impeachment case ay kapit-tuko parin ito sa puwesto.

Actually hindi lang naman si Sara ang nahaharap sa maramimg kaso ng katiwalian sa mga halal na opisyal sa bansa, na sa kabila ng mga kontrobersiya ay nagagawa pang magyabang at patuloy sa pangungulimbat. Mga walang delicadeza!

Ang isa pang napakalaking problema sa bansa ay ang mga botante. Kahit nagdudumilat ang mga ebidensiya ng katiwalian ng isang politiko ay patuloy parin nila itong sinusuportahan, ibinoboto ng paulit-ulit! Tapos magrereklamo kapag naghihirap sa buhay. Mga ogag!

Sabi nga ng aktor na si Edu Manzano: “The greatest danger to a nation is not only corrupt leaders, but citizens who defend corruption because they benefit from it.”

Tumpak si Edu!

***

Inatasan na ni Justice Secretary Fredderick Vida ang mga law enforcement agency na ipatupad ang International Criminal Court (ICC) arrest warrant laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa na ilang buwan nang nagtatago matapos makatakas sa kustodya ng Senado na noo’y pinamumunuan ni Alan Peter Cayetano.

Si Cayetano at si Senador Robinhood Padilla ay kinasuhan na ng DoJ sa pagpatakas kay Bato.

Makikita sa CCTv footage na isinakay ni Padilla sa kanyang kotse si Bato palabas ng gusali ng Senado.

Naglaan ng P50 million na pabuya ang gobierno para sa makahuhuli o makapagtuturo sa kinaroroonan ni Bato.