Advertisers

Advertisers

304 reklamo ng domestic violence vs mga pulis naitala ng PNP

0 16

Advertisers

Umabot na sa 304 ang mga reklamo ng domestic violence laban sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9, 2026.
Batay sa ulat nitong Huwebes, Nobyembre 12, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Allen Rae Co na lahat ng naturang reklamo ay naitala at nabigyan na ng kaukulang ak-syon.
Gayunman, nagpapatuloy pa ang mga imbestigasyon at pagdinig, habang wala pang pinagsama-samang datos ang PNP kung ilan sa mga kaso ang nauwi sa parusa, pagkakabasura o iba pang desisyon.
Noong 2025, nakapagtala ang PNP ng 338 katulad na reklamo laban sa mga pulis.
Binigyang-diin ni Co na hindi kukunsintihin ng PNP ang anumang uri ng pang-aabuso, lalo na kung sangkot ang mga pulis na inaasahang mangangalaga sa kaligtasan ng publiko.
Hinikayat din niya ang mga biktima na magsampa ng pormal na reklamo upang maaksyunan ang kanilang mga kaso.
Nauna nang ipinag-utos ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagsusuri sa mga patakaran ng pulisya sa pagtanggap ng reklamo, maagang pagtukoy sa pang-aabuso, at pagpapataw ng kaukulang disiplinaryong parusa.
Layunin nitong palakasin ang pananagutan ng mga pulis na nahaharap sa mga alegasyon ng karahasan laban sa kababaihan at kanilang pamilya. (Boy Celario)