Advertisers
May arrest warrant na laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pang indibidwal kaugnay ng kahilingan ng United States (US) na ipa-extradite sila.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), naglabas ng Extradition Warrant of Arrest ang Makati Regional Trial Court Branch 145 nitong Nobyembre 12 matapos makakita ng probable cause laban kina Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag.
Nagpalabas din ang korte ng Hold Departure Order laban sa tatlo upang pigilan silang makalabas ng bansa.
Naghain ang DOJ ng extradition petition Nobyembre 9.
Kapag naipatupad na ang pag-aresto, personal na isisilbi sa kanila ang summons at kopya ng petisyon. Mayroon silang 15 araw mula sa pagtanggap ng mga dokumento upang magsumite ng verified answer o pormal na sagot sa kahilingan.
Sinabi ng DOJ Legal Staff na regular nitong ia-update ang publiko hinggil sa mga susunod na kaganapan sa kaso