Advertisers
SA AMIN sa Romblon, hindi nakaporma ang mga pekeng environmentalist. Subukan nilang magpanggap na tagatanggol umano ng kaligiran at sinisiguro namin na mababalatan siya ng buhay. Hindi tumatagal sa Romblon ang mga pekeng environmentalist.
May ilang huwad na environmental group ang nagtangka na mamayagpag noon sa Romblon, ngunit kagyat silang nahubaran at nabisto. Sa huli, kusa silang nag-alsa-balutan, umaalis ng walang paalam, at nangawala ng parang bula. Hindi sila nagtagumpay sa kanilang balak.
Hindi ganyan sa ibang lalawigan, lalo na sa Zambales. Nagkalat ang mga pekeng environmental group doon na ang pakay ay gawing legal ang mga nakamkam na lupa na pawang ipinanganak sa pagputok ng bulkang Pinatubo noong 1991. Sila ang maingay kahit bistado.
Tinawag na “unclassified public lands” ang mga lupang ito na halos katumbas ng isang bagong bayan ang laki at lawak. Hindi ito maaaring bigyan ng titulo ng gobyerno dahil lumitaw ang mga ito dahil sa ibinugang putik, bato, at lahar ng Pinatubo.
Nagtagumpay ang ilang pamilya sa lalawigan na kunin ang mga lupaing ito at gawing pook-pahingahan (resort). Kahit walang titulo, tagumpay nilang naibenta ang malaking bahagi ng mga unclassfieid public land.
“Rights” ang tawag nila sa kapirasong papel na kumakatawan sa mga bahaging naibenta kung kanino. Maraming bumili sa mga rights. Karamihan sa kanila ay mga bumabalik na Pinoy na naging U.S. citizen sa Estados Unidos. Nagtrabaho ang karamihan sa U.S. Navy at nagretiro na may kinita mula sa hukbong pandagat ng U.S.
Hindi naging titulo sa lupa ang mga ibinentang rights. Hindi alam ng mga bumili na ang nabiling rights ay hindi kumakatawan sa karapatan na ariin ang mga lupa. Kinakatawan nito ang “karapatan” na maging iskuwater sa nabiling lupa.
Sadyang marupok ang mga lupang ipinanganak sa pagputok ng bulkang Pinatubo. Ang ibinigay ng dagat ay muling bumabalik sa dagat. Dahil marupok, muling kinakain ng dagat ang malaking bahagi ng mga unclassified public land. Kahit ang mga istraktura doon na naging mga bahay pahingahan (resort homes) ay pawang nawasak at nagbasakan.
Winasak sila sa matinding pagbayo ng habagat noong Hunyo hanggang Oktubre ng taong ito. Malaking pinsala ang inabot ng mga pook pahingahan (resort) sa ilang bayan ng Zambales tulad ng San Felipe, San Narciso, San Antonio, Cabangan, at Botolan. Maraming mga istraktura – bahay pahingahan (resort homes), gusali, at kahit ordinaryong bahay- ang winasak ng malakas na hangin, malalaking alon, matinding ulan na dala ng habagat.
Ang nakakapagtaka ay pumagitna ang ilang pekeng environmental group na ibinibintang sa dredging activity umano ang pagbagsak ng mga istrakturang marami sa kanila ay ilegal. May mga larawan pa sila ng mga barko ng Intsik na humahakot sa mga lupa na kinuha umano sa dredging activity. Hindi sila pinaniniwalaan.
Hindi sinabi ng mga huwad na environmental group kung saan kinuha ang mga larawang iyon. Basta may bintang na sila umano ang kumuha ng mga lupa at buhangin doon. Pinagbintangan ang gobyernong panlalawigan na nasa likod umano ng mga ilegal dredging activity doon.
May dreding activity doon ngunit mga legal ang mga iyon. Ginagawa ang dredging sa bunganga ng mga Ilog Sto. Tomas, Bucao, at Maloma. Ngunit ginagawa iyong lumuwang ang bunganga ng ilog upang malayang dumaloy ang mga tubig sa tuwing tag-ulan at huwag bumaha sa mga bayan sa baybay-dagat ng Zambales.
Hindi kinikilala ng mga pekeng environmental group ang legal dredging activity doon. Ang alam nila ay baluktutin ang totoong dredging activity. Hindi namin alam kung ano ang pakay nila sa pagbaluktot sa totoong nangyayari doon. Gusto ba nilang pagtakpan ang bentahan ng mga pekeng rights sa ilang kababayan na naloko ng kanilang kasapi?
May nabasa kaming ulat ng gobyerno sa isyu. Basahin na lang:
Allan Fernandez and Bugarin family are described in all government documents as resort owners inside unclassified public accretion land with no title, no building permit, with only deed of sale from questionable persons. Their proclamation as guardians of environment comes in the context documented by (Mines and Geocience Bureau (MGB) and Zambales Foreshore Development River Restoration Management Council (ZFDRMC), a multisectoral body, as: resort owners blame dredging for erosion that MGB says is natural habagat / typhoon erosion of unstable accretion. As Zambales Provincial Engineering noted, accretion land was declared danger zone since 2008-2011 and ‘many investors are still being lured to buy lands inside accretion area without knowing selling is illegal.’”
Nambobola lang ang mga pekeng environmental groups.
***
Email:bootsfra@gmail.com