Advertisers

Advertisers

BEA WINDORSKI TINAWAG NA “LA IMPACTA MAXIMA” SA PUERTO RICO

0 35

Advertisers

Ni TIMMY BASIL

SA November 24 na ang Miss Universe finals na gaganapin sa Coliseu de Puerto Rico, Agrelot, San Juan Puerto Rico at sa totoo lang Madam Salyn, wala kang itulak-kabigin sa mga kandidata, puro magaganda at mga palaban.

Pero siyempre pa, magpapatalo ba ang ating pambato na si Bea Windorski na talagang palaban ang beauty, height at talino at kung napapansin ninyo, sa lahat ng pinupuntahan ng mga candidates talagang pinaghahandaan ni Bea ang kanyang outfit, lahat ng kanyang outfit ay wala akong masabi. at ang galing niyang magdala. Alin, yung mga bestida niya na kulay kumot at nagmukhang mamahalin nang kanyang isuot .



Tinawag nga ito na La Impacta Maxima ng mga pageant vloggers ng Puerto Rico. Noong una, akala ko negative kasi sa atin , iba ang pakahulugan ng Impakta pero it means “maximum impact:” pala and they are right kasi sa lakad pa lang at pagliyad, panalong panalo na si Bea.

At sa mga nakikita natin online na mga nagpi-fearless forecast na pageant vloggers di lang sa Puerto Rico kundi sa buong mundo , nasasama talaga ang Miss Philippines sa kanilang top 5 choices.



Si Bea na kaya ang magiging panlimang Pinay Miss Universe? Malaki ang posibilidad lalo na’t ang official hashtag pala ni Bea ay #beawindor5ki, may 5.

DIREK JUN MIGUEL MOST AWARDED INTERNATIONAL DIRECTOR



Marami ang hindi nakakaalam na ang Director ng award-winning children show na “Talents Academy” ay dating miyembro ng That’s Entertainment, Junior ang kanyang ginamit noon na screen at miyembro siyang That’s Free Boys ng That’s Entertainment.

Noong mawala ang Thats, nagpatuloy sa kanyang pag-aaral si Junior at naging modelo at product endorser din hanggang sa muli siyang lumitaw at naging Direk Jun Miguel na . . Bukod sa pagdidirek sa telebisyon ay marami na ring nagawang pelikula si Direk Jun at napapanood ko ito lahat at mga bida sa kanyang mga pelikula ay mga kabataan.Ito ang kanyang advocacy. Ilan sa kanyang nagawang movie (na ipinalabas lahat sa mga sinehan ay :Ang mga Bagong Misyon, Ang Aking Mga Anak,

Samantala, halos di na mabilang ang mga local award giving bodies na nagtitiwala at nagbibigay sa kanya ng parangal pero ang pag uusapan natin ngayon ay ang kanyang mga international awards na natanggap lately. Ang una ay ang Icon Award kungsaan tinanggap niya ang tropeyo bilang Legacy Icon in Film Directing and Talent Management Leadership na ginanap sa Singapore.

At ang pinaka latest ay noong October 10 kungsaan tinanggap naman niya mula sa Thailand International Leadership Awards 2026 as Outstanding International Television and Film Director na ginanap sa
Congratulations Direk Jun Miguel and more more projects and awards.