Advertisers

Advertisers

ANDREA, MAY ILALABAS NA ‘BAGONG ANYO’ SA ‘LAYA’!

0 28

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Malaking hamon para kay Andrea Brillantes ang pagganap bilang Sab sa pelikulang Laya na idinirehe ng award-winning filmmaker na si Sigrid Andrea Bernardo.

Hindi lamang ito ang kauna-unahan niyang pelikula bilang adult actress kundi first starring role rin niya sa big screen. First time rin niyang gampanan ang isang emotionally complex character na malayung-malayo sa mga nauna niyang roles.



“I’ve been in the industry for so long. Maraming version na ng Andrea Brillantes ang nakita simula pa noong bata ako, mula Anna Liza to Kadenang Ginto. But this time, it’s different. I feel marami pa silang hindi nakikita.

“Naghintay po talaga ako ng right project, right role, the right director, the right co-actors to explore a heavy genre filled with emotionally complex characters. So, naisip ko na i-grab ang opportunity na ito para may maipakita akong ibang side ko as an actress,” aniya.



Hindi rin basta-basta ang paghahanda ni Andrea para sa karakter ni Sab.

“Nagpa-piercing po ako. Mayroon din po akong suot para mag-iba iyong look ko. For the first time, hindi ko kailangang i-cover ang tattoo ko.



“Nag-isolate din ako from my friends during the entire shoot para maramdaman ko ang karakter ko. Nakatulong din po na I do freediving kapag nagbo-bond kami ni Mama,” kuwento niya.

Dahil first adult role niya ang Laya, nilinaw ni Andrea na hindi nangangahulugang kailangan niyang magpaseksi sa pelikula.

“Iyong pananamit, I would say na hindi siya ganoon ka-conservative, pero hindi rin iyong ine-expect nila na anything of that sort na sexy dahil hindi iyon ang tina-tackle sa pelikula. Ibang-iba iyong makikita. It’s more focused on the character, iyong pagiging bold and fearless,” paliwanag niya.

“Iyong pagpapa-seksi, wala po akong ginawa o wala pong ganoong intensiyon. Normal naman po na naka-swimsuit ako o nababasa kami dahil nagda-dive kami. Pero wala pong ganoong intensiyon ang movie,” dagdag pa niya.

Gayunman, aminado si Andrea na handa na siyang tumanggap ng mas mapangahas at mapanghamong roles sa mga susunod niyang proyekto.

“Basta ako po, as long as maganda ang script, okay ang director, okay ang co-actors, kahit ano pa iyan na sa tingin ko ay kaya ko, gagawin ko,” esplika niya.

Hindi rin niya isinasara ang posibilidad na gumawa ng proyektong mangangailangan sa kanyang magpaseksi.

“As long as it’s done beautifully and with the right intention, I’m all for it. Wala naman pong problema sa akin,” aniya.

Inamin din ng aktres na todo ang pressure na naramdaman niya sa kanyang unang starring role sa big screen.

“Pressured na pressured po ako, pero kailangang alalahanin ko na ginawa ko ito not to get validation sa mga tao. Ginawa ko ito to feed my soul dahil I really love the project.

“I’ve been waiting for a role to challenge me and for people to see me in a different light, not for people to praise me, kundi para maipakita ko na kaya ko ang ganitong klaseng role. And maybe this could lead to more opportunities sa iba’t ibang roles na mai-offer sa akin,” pagtatapos niya.

May magandang bunga naman ang pagsabak ni Andrea sa kakaibang role dahil ginawaran siya ng Best Actress award para sa Laya sa 2026 Women and the World International Film Festival sa London.

Mula sa Rein Entertainment, hindi lamang paghihiganti ang kuwento ng Laya kundi tungkol din sa second chances, pag-ibig at pagpapatawad.

Sa direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo, tampok din sina JC Santos at Anthony Jennings. Mapapanood ang pelikula sa mga sinehan sa buong bansa simula Nobyembre 25.