Advertisers

Advertisers

ISA PANG FOREIGN COMPANY, NAGPAHAYAG NG KAGUSTUHANG MAGTAYO NG OIL REFINERY AT DEPOT SA BANSA — SEN. ERWIN TULFO

0 11

Advertisers

ISANG kompanya mula Belgium ang nais ding magtayo ng oil refinery at depot sa Pilipinas na kahalintulad ng proposal ng Abu Dhabi National Oil Company (ADNOC) ng United Arab Emirates, ayon sa isang liham na ipinadala kay Senate Committee on Energy Chairman Senador Erwin Tulfo ng Brightside Industries Group, LLC.

Ayon kay Sen. Tulfo, “mas maganda na mas maraming kompanya ang maglagay ng oil depot at refinery sa ating bansa kasi nakatitiyak tayo na hindi na tayo mauubusan ng suplay kung sakaling magkakagulo muli sa Middle East. Pero ang Department of Energy (DOE) natin ang dapat na kausapin nila para sa pormal na negosasyon at kasunduan.”

Sa nasabing liham, sinabi ng Brightside kay Tulfo na walang ilalabas na pera ang Pilipinas para sa pagpapatayo ng nasabing imbakan ng langis.



“I think very willing ang Belgian firm na ito na makipagkasundo agad sa DOE. Pero siyempre kailangang alamin din ni DOE Sec. Sharon Garin kung ano terms ng Brightside since no money out ang gobyerno natin dito,” ani Tulfo.

Sa tingin umano ni Tulfo, tulad ng ADNOC ay nais din ng Brightside na mag-imbak ng langis sa Pilipinas para maibenta sa ibang bansa sa Asya. (JERRY S.TAN)