Advertisers

Advertisers

SWS, itinanggi na affiliate sa kanila ang “Sigaw ng Bayan”

0 11

Advertisers

ITINANGGI ng pamunuan ng Social Weather Station (SWS) na affiliated sa kanila ang “Sigaw ng Bayan” at ang nagpapakilala may-ari nito.

Sa liham na nakarating sa sumulat ng naturang article, mariing itinanggi ni SWS Director Leo S. Laroza ang sinasabing ugnayan ng nagpakilala owner ng “Sigaw ng Bayan”(MPC) na si Danny Mangahas.

Pinabulaanan din ni Laroza, ang pahayag ni Danny na “Tito” niya ang pioneer at founder ng SWS na si Dr. Mahar Mangahas.



“Mr. Danny Mangahas is not related to Dr. Mahar Mangahas,” ayon kay Laroza.

Dagdag niya, hindi kailanman naging opisyal, empleyado, consultant, fellow o awtorisadong kinatawan ng SWS si Danny.



Wala rin itong pahintulot na mag-alok ng survey sa pangalan ng SWS.

Nilinaw pa ng SWS na hindi “anak”, affiliate, subsidiary o partner ang “Sigaw ng Bayan.”.



Sinasabing nag-aalok umano si Danny ng mataas na survey at nagbibigay ng award sa Congressman, Mayors at mga opisyal ng pamahalaan kapalit ang mataas na “Kabayaran”.

Sinasabi umano ni Danny na “anak ng SWS” ang “Sigaw ng Bayan” upang magmukhang lehitimo ang serbisyo, bagay na tahasang itinanggi ng SWS.

Napag-alaman na si Danny Mangahas ay una na ring “sumabit” ang pangalan sa kontrobersiyal na KAPA investment scheme, kaya pinag-iingat ang publiko hingil sa panibagong “raket” nito.

Wala pang sagot dito si Danny Mangahas hinggil sa pagtanggi sa kanya ng SWS.