Advertisers

Advertisers

TAO, BAYAN ANG PANALO

0 17

Advertisers

HINDI na tayo nagtataka kung bakit nabigla at nadismaya ang mga ‘stakeholders’ sa Aduana sa naging desisyon ng Palasyo na alisin sa puwesto si Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno at ilipat siya sa isang posisyon na sa tingin ng karamihan ay “pakonsuwelo” sa kanya.

Sadya kasing hindi maitatanggi ang kanyang mga nagawang kontribusyon upang maiayos ang Bureau of Customs at imahe nito.

Oops! Hindi natin “minemenos” ang kakayahan ng ipinalit sa kanya, si BIR Commissioner Charlie Mendoza na dati na ring opisyal ng BOC.



Para lang kasi sa marami nating kababayan na “alam” ang “kalakaran” sa pantalan, kahit higit isang taon lang si Comm. Ariel sa puwesto (Julyo 2025 – Nobyembre 11, 2026), isa itong GOLD STANDARD sa pamumuno at pamamahala na dapat pamarisan.

Kumbaga, maraming kailangang “patunayan” si Comm. Charlie—at mga susunod na Customs Commissioner– para kumbisihin ang madlang pipol na ‘deserving’ sila sa kanilang posisyon.



Sa pag-alis ni Comm. Ariel sa Aduana, lumabas naman ang ilang panukala, partikular sa ‘social media,’ na marahil panahon na para ganap ng maging pambansang lider itong ating kaibigan sa pamamagitan ng pagtakbo sa halalan sa 2028.

Abah, ito ang magandang ideya at “hamon” na dapat niyang pag-aralang mabuti– at kahit ng mga opisyal sa Malakanyang.



Sa totoo lang kasi, sadyang “manipis” ang listahan ng administrasyon sa mga kandidatong puwede nitong ilarga sa 2028 na susuportahan ng mga Pilipino.

Sadyang hindi korap, matalino, guwapo, kilala bilang lalaking may prinsipyo, matapat sa kanyang mga kaibigan, mapagkumbaba, hindi naghahanap ng kaaway at tumutulong sa mga nangangailangan ng walang inaasahang kapalit, ang karakter ni Ariel Nepomuceno ang karakter at pagkatao na hinahanap ng ordinaryong tao.

“Hinahanap” dahil HINDI siya pulitiko. Isa siyang tao na nagpapahalaga sa kanyang titulo bilang “Lingkod-Bayan.” Translation ulit? Isa si Ariel Nepomuceno sa iilang opisyal sa gobyerno na mahalaga ang salitang INTEGRIDAD.

At kung tumakbo siya sa 2028 sa ano mang posisyon, sa kanya na tayo, mga kabayan dahil titiyakin ko sa inyo, kay Nepo, tao at bayan ang panalo!

Abangan!