NAPOLCOM CHIEF CALINISAN, NAKAKITA NG ‘RED FLAGS’ O PAGKAKAMALI SA SALPUKAN NG MGA PULIS AT ASEAN SUMMIT PROTESTERS
Advertisers
INIHAYAG ni National Police Commmission (NAPOLCOM) Commissioner Ralph Calinisan na may mga “red flags” na kapuna-puna sa mga videos na nai-post online at sa mainstream media, ukol sa naging salpukan ng mga pulis at mga nagpo-protesta ukol sa ilang isyu patungkol sa nagaganap na ASEAN Summit, kasabay ng pagtitiyak na walang magiging ‘knee-jerk reaction’ o batayan ukol sa nasabing pangyayari.
Sinabi ni Calinisan sa kanyang pagdalo sa Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) monthly forum na, “MACHRA Balitaan” na ginanap sa Harbor View Restaurant sa Maynila, na binigyan na niya ng atas ang liderato ng National Capital Region upang magsagawa ng imbestigasyon ukol sa insidente, habang ang NAPOLCOM ay nagsasagawa na din ng pagsusuri sa mga videos at iba pang may kinalaman na materials kaugnay pa rin ng isyu.
Ayon kay Calinisan, “the video clips available should not be taken in isolation but in its broader context…a mere five-second clip cannot dictate what actually happened.”
Aniya, may mga video umano na nagpapakita ng ‘extremely physical events’ kung saan “mapapaisip ka kung tama pa ba ‘to’ ngunit hindi umano sapat ang mga ito upang makapagbigay ng matalinong kasagutan ukol sa kung sino ang nag-umpisa ng ano.
Tiniyak niya na magiging patas ang kanilang imbestigasyon at aniya,” Pupuwede naman magsisigaw to expresss grievances sa gobyerno pero dapat, di makakapanakit ng iba. ‘Yung mga pulis naman, sa pagpapatupad ng batas, kailangan di rin makapanakit ng iba.”
Dagdag- paalala din niya sa publiko na: “trabaho ng pulis ang magpatupad ng batas. If you want to express your grievances, karapatan n’yo ‘yan, pero ‘wag kayo lumabag sa batas dahil trabaho ng pulis ang magpatupad ng batas.”
Sa isang patas na imbestigasyon, sinabi ni Calinisan na bibigyang-timbang ng NAPOLCOM ang kapulisan na nagpapatupad ng tungkulin at ang mga protesters na nagpapahayag ng sentimyento.
“Dun tayo sa gitna and make sure that laws are applied to all, Kung tama ang protesters, then so be it. Kung tama ang pulis, so be it,” saad niya, kasabay ng pahayag na ang sinuman na nag-iisip na agrabyado siya ay maari namang magsampa ng kaso, dahil bahagi ito ng demokrasyang umiiral sa bansa.
Dagdag pa niya: “‘Yung ating karapatang magpahayag, me limitasyon ‘yan. We cannot always say na absolute ang freedom of expression. In the expression of rights, we must also be mindful of the rights of others. There must be a balancing act.” (JERRY S. TAN)