Advertisers

Advertisers

Isko Moreno: Koordinasyon ng ASEAN Local Leaders, Susi sa Mas Mabilis na Serbisyo

0 84

Advertisers

Naniniwala si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso na mahalaga ang maayos na koordinasyon at pagtutulungan ng mga bansang kabilang sa ASEAN upang mas mapalakas ang mga proyekto at programang pakikinabangan ng taong bayan.

Sa kanyang pahayag sa ASEAN Governors and Mayors Forum (AGMF) sa Ramon Magsaysay Center nitong Nobyembre 18, binigyang-diin ng Alkalde na sa pamamagitan ng ganitong pagtutulungan, posibleng magkaroon ng karagdagang kaalaman para umunlad, mapalawak, at mapaganda pa ang mga plano ng mga lokal na pamahalaan.

Maaari rin anyang matuto ang bawat isa kung paano ilalatag nang maayos ang mga programa upang mas mabilis makarating ang tulong o suporta kung kinakailangan.



“National visions give us direction, but local governments give those visions a destination,” ani Domagoso, kasabay ng pagbibigay-diin na ang ASEAN ay dapat maramdaman sa araw-araw na serbisyo — mas ligtas na komunidad, mas maayos na public services, at mas maraming oportunidad.

Kaugnay nito, muling tiniyak ni Mayor Isko sa mga delegado ng ASEAN forum na bukas ang lokal na pamahalaan ng Maynila na makatuwang sila sa pagbibigay ng suporta para sa kapakanan ng kani-kanilang mamamayan.



“A city is not truly progressive when its tallest buildings rise faster than the lives of its poorest families,” dagdag niya.

“ASEAN will not be built by declarations made in conference halls, but by lives improved in communities,” pagtatapos ng Alkalde.
?Host ang Maynila sa forum bilang bahagi ng 2026 ASEAN Chairmanship ng Pilipinas, sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together,” isang araw matapos ang closing ceremony ng 49th ASEAN Summit.



?“Today, we gather not simply as representatives of different cities, provinces, and countries. We come together as fellow local leaders, sharing a common responsibility and a common aspiration: to make government work better for our people,” ani ng Alkalde. (Jocelyn Domenden)