Advertisers

Advertisers

Konsehala arestado sa iligal na pagbebenta ng krudo

0 43

Advertisers

ARESTADO ang isang konsehala sa Subic, Zambales dahil sa ilegal na pagbebenta ng produktong petrolyo.
Kinilala ng San Narciso Municipal Police Station ang konsehala na si Sherille Gutierrez, 51 anyos, konsehal ng bayan ng Subic, at residente ng Barangay San Isidro.
Isinagawa ng pulisya ang operasyon sa Barangay Libertad, San Narciso nitong Martes, Nobyembre 17.
Inaresto si De Luna sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Municipal Trial Court sa San Narciso Nob-yembre 16.
Kaugnay ito ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1865 at Batas Pambansa Blg. 33, na tumutukoy sa ilegal na kalakalan ng petrolyo at mga produktong petrolyo.
Nagtakda ang korte ng P30,000 piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.
Samantala, nilinaw ni De Luna na kusang-loob itong nagtungo at nagpasakop nitong Nov. 17, 2026 sa Municipal Trial Court ng San Narcicson nang malaman ang pagkakaloob ng warrant of arrest laban sa kanya.