Advertisers
PINAWALANG-SALA ng Korte Suprema ang retiradong police general na si Bernardo Diaz, na idinawit ni dating Pangulo Rodrigo Duterte sa ilegal na droga noong 2016.
Sa isang resolusyon ng First Division na may petsang August 12, idineklarang “void” o walang bisa ng mataas na hukuman ang desisyon ng Office of the President (OP) na nagpataw ng parusa kay Diaz dahil umano sa mabigat na kapabayaan sa tungkulin.
Sa desisyon ng Korte Sup-rema, ang mga isinagawang pagdinig ng National Police Commission (NAPOLCOM) gayundin ang pasya ng tanggapan ng dating pangulo ay may mga iregularidad at lu-mabag sa karapatan ng petitioner sa due process.
Binigyang-diin din ng SC na nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang OP sa paghawak ng nasabing administratibong kaso.
Sa resolusyon ng First Division noong Agosto 12, 2026, sa G.R. No. 273363, nakita ng SC ang mga iregularidad at paglabag sa karapatan ni Diaz sa due process sa administra-tibong kaso ng ‘grave neglect of duty’.
“The OP committed grave abuse of discretion in the resolution of petitioner’s administrative case,” ayon sa SC.
Kabilang sa mga tinukoy na problema ang hindi wastong pagpapaalam sa kanya ng partikular na mga paratang at hindi pagbibigay ng nararapat na konsiderasyon sa kanyang ebidensiya.
Idineklarang walang bisa ang mga pasya ng OP noong Mayo 10, 2022 at Marso 5, 2024, na nagpataw ng pagkansela ng eligibility, pagkawala ng retirement benefits at permanenteng diskuwalipikasyon sa pampublikong posisyon.