Advertisers

Advertisers

PRINCIPAL PATAY SA AMBUSH!

0 43

Advertisers

NASAWI ang isang school principal nang pagbabarilin habang papunta sa kanyang paaralan sa Barangay Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules, Nobyembre 18.
Kinilala ang biktima na si Dr. Dionel V. Mahusay, principal ng Datu Pendililang Piang Elementary School at residente ng nasabing barangay.
Batay sa impormasyon ni Lt. Mohammad U Ali ng Datu Saudi Ampatuan Municipal Police, nagmamaneho ng kulay-pilak na minivan ang biktima nang pagbabarilin.
Naganap ang pamamaril humigit-kumulang 50 metro mula sa tahanan ng principal.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Mahusay, sanhi ng kanyang pagkamatay.
Nagtamo ng 10 butas ng bala ang bahagi ng sasakyan sa bandang driver seat.
Nagsasagawa na ng hot-pursuit operation ang mga awtoridad.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa principal. (Mark Oleada)