Advertisers

Advertisers

P22-BILYONG PONDONG INILAAN SA ASEAN SUMMIT, KINUWESTIYON

0 34

Advertisers

Tumataginting na umaabot sa P22-bilyon ang kabuuang pondong inilalaan para sa pagho-host ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kabilang dito ang P5.4 bilyong inilaan sa 2025 national budget para sa mga paunang paghahanda, gayundin ang panukalang pondo sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).

Dahil sa laki ng halagang ito, kinukuwestiyon ng ilang sektor at netizens kung makatwiran ba ang paggastos habang patuloy na kinakaharap ng bansa ang kahirapan, pagtaas ng gastusin, at paglaki ng pambansang utang.



Bagama’t mahalaga ang pagho-host ng isang regional summit, nananatiling usapin kung paano titiyakin ang wastong paggamit ng pondo at kung ano ang magiging konkretong pakinabang nito sa mga Pilipino.

Paano masisiguro na bawat pisong gagastusin para sa ASEAN hosting ay may katumbas na pakinabang sa mamamayan?



Nakakalula talaga na sobrang laki ng badyet na inilaan sa ASEAN hosting ng Pilipinas sa gitna ng mga pangangailangang domestiko at mataas na inflation. Mismo!

Samantala nilinaw naman ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi naubos ang buong ?22.9 billion na pondo para sa hosting ng bansa sa 49th ASEAN Summit and Related Summits.



Sinabi ni Castro na patuloy pa ang accounting sa alokasyon.

Kinumpirma rin ng opisyal na ang ?1 billion mula sa savings sa alokasyon ay nagamit para sa UPLIFT Program ng pamahalaan, partikular sa pagtugon sa epekto ng krisis sa Middle East.

Iginiit din ni Castro na mahalaga ang naging hosting ng bansa sa ASEAN Summit dahil nabigyan ng oportunidad ang pagtalakay sa mga regional concerns at nakabuo ng collective solutions.

***

Anumang reaksyon o suhestiyon itext sa 09397177977/09368625001 o di kaya mag email balyador69@gmail.com