Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
Talk of the town ang tsikang in-unfollow daw nina Robbie Jaworski at ng dyowa niyang si Magui Ford ang isa’t-isa sa Instagram.
Kung pagbabatayan nga naman ang kanilang IG accounts, hindi na nila sinusundan ang bawa’t isa.
Umani naman ang development na ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan sa umpukan ng tsismosang kapitbahay.
May mga nang-iintrigang hiwalay na ang dalawa.
May mga nagmamarisol ding nag-ispluk na may cheating issue raw na sangkot kaya nag-part ways ang magkasintahan.
Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.
“So, hiwalay na sila?”
“Maugong nga ang tsika na break na sila.”
“Tsinek ko nga sa IG.Di na nila pina-follow ang isa’t-isa.”
“Totoo ba ang chikang may third party daw sa kanilang hiwalayan?”
“Baka naman, gimik lang ito.”
“Kahapon lang she was still following him.Whatever happened?”
“True ba na may cheating issue na involved?”
“Sayang naman noong one and a half years nilang relationship.”
“Baka naman may LQ lang.”
As of date, burado na rin ang pics nina Robbie at Magui sa kanilang respective social media accounts.
Bukas naman ang pitak na ito sa panig nina Robbie at Magui hinggil sa isyu.TRCB, nagtakda ng pagdinig para sa mga reklamo sa “Pinoy Big Brother: Collab 3.0”
***
MTRCB, nagtakda ng pagdinig para sa mga reklamo sa “Pinoy Big Brother: Collab 3.0”
IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang GMA Network Inc., ABS-CBN Corporation at ang production team ng “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” upang magpaliwanag sa gitna ng mga isyu laban sa sikat na popular reality TV show.
Naglabas ng dalawang pahinang notice to appear ang Ahensiya at inutusan ang mga respondent na dumalo sa isang pagdinig ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee sa Huwebes, 26 Nobyembre 2026.
Tatalakayin ang mga isyu na nakapaloob sa mahigit 2,100 na reklamo na natanggap ng MTRCB laban sa reality TV show nitong nakaraang dalawang linggo.
Kabilang sa mga isyu na ito ang alleged unfair at manipulative editing, bullying, objectification, paglabag sa personal boundaries, inconsistent enforcement ng mga patakaran, preferential treatment sa “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” at alleged insensitivity sa kalagayan ng persons with disability (PWD).
Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga manonood tungkol sa maaaring hindi magandang epekto ng mga diumano ay insidente sa mental health at emotional well-being ng mga housemate, pati na ang paraan ng pagpresenta ng mga insidente sa mga manonood.
Nagbabala ang MTRCB na kung hindi dumalo sa pagdinig ang mga respondent o ang kanilang inatasang kinatawan, ituturing ito na pagwawaksi sa karapatan nilang maglahad ng ebidensya. Magdedesisyon ang Ahensiya sa reklamo batay sa mga rekord na hawak nito.