Advertisers

Advertisers

PALASYO: DESISYON NG SUPREME COURT SA PAGLILIPAT KAY DATING PANGULONG DUTERTE, DAPAT KUWESTIYUNIN SA TAMANG PARAAN

0 14

Advertisers

Hindi sapat ang mga pahayag sa media upang kuwestiyunin ang naging desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng mga petisyon laban sa paglilipat kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.

Ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro, kung hindi sang-ayon si Vice President Sara Duterte sa desisyon ng Supreme Court, dapat itong idaan sa paghahain ng motion for reconsideration sa halip na sa pamamagitan ng mga pahayag sa media.

Ipinaliwanag din ni Castro na pinahihintulutan ng Republic Act No. 9851, partikular sa Section 17, ang pagsuko sa isang international tribunal ng mga indibidwal na inaakusahan ng crimes against humanity at genocide. Ang naturang batas ay ipinasa mismo ng Pilipinas noong Disyembre 11, 2009.



Dagdag pa niya, kinilala rin ng Korte Suprema ang hurisdiksiyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimeng umano’y naganap bago tuluyang umatras ang Pilipinas sa Rome Statute.

Tungkol naman sa writ of habeas corpus, nilinaw ni Castro na isa itong legal na remedyo na ipinapatupad sa loob ng bansa at hindi maaaring i-apply sa ibang teritoryo.



Hinimok din ng opisyal ang publiko na subaybayan ang paglilitis kay dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague na nakatakdang magsimula sa Nobyembre 30. Aniya, mahalagang masubaybayan ang proseso dahil kapwa Pilipino ang mga nagrereklamo at ang akusado, at bahagi ito ng paghahanap ng katarungan. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">