Advertisers

Advertisers

Juday, Kim, Jodi, Maricel, Sharon, Richard hinanap sa Christmas Station ID

0 19

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Hinanap ng kibitzers ang presensiya nina Sharon Cuneta, Judy Ann Santos, Jodi Sta. Maria, Maricel Soriano at Richard Gutierrez sa bagong Christmas station ID ng ABS-CBN.

Wala rin ang presensiya ng kontrobersyal na tambalan ng KimPau nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nasabing plug.



Absent din ang iba pang Kapamilya tulad nina Angelica Panganiban at Sarah Geronimo.

Umani naman ang nabanggit na CSID ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang mapag-usapan ng mga tsismosang kapitbahay.



Ito ang ilan sa kanilang mga hirit.

“Walang Juday and Maricel? Pati si Sharon? Hindi din kasali ang KimPau, Angelica P, Sarah G., at Richard Gutierrez? Parang ang daming big names na wala. Tapos si Jessy M. ang nasa front row na pang-top stars ang placement? Ano yan, bonus inclusion dahil kay Luis?”



“Na-miss ko si Sarah G.Parang di kumpleto ang CSID pag wala ang Popstar Royalty.”

“Ang saya lang kasi nai-feature din ng ABS-CBN ang allied partners nila like GMA, TV5,AllTV at A2Z.”

“Touching iyong pagpunta ni Meme Vice sa Kapuso network.”

“Ang KimPau na-miss ko.”

“Solo eras na talaga sina Kathryn at Daniel. Pati na sina Donny at Belle.”

“At least nandiyan pa rin ang superstars ng ABS: sina Vice, Coco, Kathryn at BINI.”

“Wow, prominent ang billing ng mag-asawang Luis at Jessy.”

“Si Richard G, wala kasi kasama ni Barbie.Hehehe.”

“Glad na nakasama ang PBB Celebrity Collab 3 housemates.”

“KaiKyle, FranSeth at JMFyang, sila pa rin ang young gen love teams na pambato ng network.”.

“Sana iyong iba na hindi present,kahit video greeting na lang.”

***

Sineng horror, animation, pinaka-bagong “Meet the Parents” film, may MTRCB rating na

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga rating para sa mga tampok na palabas ngayong linggo, kabilang ang mga sineng horror at animation at ang pinakabago sa “Meet the Parents” film series.

Tiwala si MTRCB Chair at CEO Lala Sotto na maeenganyo ang mga manonood na magtungo sa sinehan, laluna at marami silang mapagpipilian.

“Ika nga, there’s something for everyone. Umaasa kami na tatangkilikin ng mga pamilya ang mga tampok na palabas ngayong linggo,” sabi niya.

“Ngunit gaya nga ng lagi naming paalala, tingnan muna ang ratings mula sa MTRCB para siguradong angkop sa edad at pang-unawa ng mga bata ang papanooring pelikula,” dagdag ni Sotto.

Magugustuhan ng mga bata ang “Hexed,” isang Disney animated feature na pinagbibidahan nina Hailee Steinfeld, Rashida Jones at Jason Hand. Ito ay may Parental Guidance (PG) rating dahil sa kuwentong tungkol sa witches, magical abilities, supernatural adventures, may positive values na family bonding, understanding, self-acceptance at pagyakap sa individuality.

“The film is suitable for viewing with parental guidance, with caution on imitable behavior, that depicts the use of magical powers and spellcasting in a fantasy setting, which are not realistic and should not be imitated,” sabi ng MTRCB.

“Focker In-Law,” ang ika-apat na installment sa sikat na “Meet the Parents” film series, ay rated PG. Bida rito sina Ariana Grande, Robert De Niro, Ben Stiller at Owen Wilson.

Ito ay naglalaman ng “mature comedic material, including coarse language, suggestive references, and romantic themes that may require parental guidance for younger viewers.”

Ang Japanese coming-of-age drama na “Look Back” ay live action adaptation ng “Look Back” one-shot manga ni Tatsuki Fujimoto.

Ito ay nakakuha ng PG rating. Tampok dito sina Deguchi Natsuki, Makita Aju, Nanasa Furi at Okada Rokka.

Tampok sa gawang Pinoy na drama thriller na “Laya” sina Andrea Brillantes, JC Santos at Anthony Jennings. Ito ay rated R-13 dahil sa mature dramatic themes, strong language, emotional distress, criminal-related situations at sensual exposure.

Ang horror film na “Victorian Psycho” ay nakatanggap ng R-16 rating dahil sa graphic depiction ng karahasan, katatakutan, mga nakakatakot na eksena, mature language, at mga temang tungkol sa psychotic behavior, cannibalism at incest.

Pinagbibidahan ito nina Maika Monroe, Kate Brady at Simon Coury.

Ang “The Further Mis-Adventures of Cliff Booth,” isang drama thriller na tampok sina Brad Pitt, Elizabeth Debicki at Timothy Olyphant, ay rated R-16 dahil sa temang krimen, korapsyon, ambition, loyalty, ang madilim na mukha ng showbiz, dishonesty at manipulation.

 

“The film depicts criminal activities, physical violence, intimidation and unlawful ways of resolving conflicts. These actions may negatively influence impressionable viewers,” sabi ng Ahensiya.

Ang G o General Audience ay para sa lahat ng edad. Sa PG o Parental Guidance, kailangang may kasamang magulang o guardian ang batang manonood.

Ang R-13 ay para sa edad 13 at pataas, samantalang ang R-16 ay sa edad 16 at pataas. Ang R-18 naman ay sa mga nasa wastong edad lamang.