Advertisers
Ikalawang pagsulat ng artikulo hinggil sa isang korporasyon ng pamahalaan na Phil. Guarantee Corp. sa dahilang patuloy na panunuwag ng pangulo ng banggit na tanggapan ng pamahalaan sa mga kawani. Muling ipina-paabot ng mga kawani ang salang pamamalakad ng pangulo ng Phil Guarantee na si Mang Berto na nakakababa ng moral at gana sa pagtratrabaho ng mga kawani higit ng mga nasa grupo ng nagpapatakbo ng programa ng tanggapan. Sa totoo lang, walang kabatiran sa nagaganap sa banggit na tanggapan, kung hindi na isang korporasyon ng pamahalaan.
Ang paglapit ng ilang kawani ang nagbigay daan sa pagsasaliksik upang malaman ang tahakin o layon ng PGC. Subalit ‘di lang ang layon ng korporasyon ang nabatid sa pananaliksik na magbigay ng garantiya sa negosyong malalaki na lumalapit sa tanggapan. Hindi sadyang naulinigan ang pang-aabuso ng pangulo ng PCG sa tungkulin at ang panunuwag sa mga kawani na salungat ang tindig sa pamamalakad ni Mang Berto.
Sa nabatid, maraming kawani ng PGC higit ang nasa operasyon ng ahensya ang ‘di sang-ayon sa ilang kilos o galawan sa departamento o grupo. Marami sa kawani sa banggit na departamento ng tanggapan (17 kawani) ang nakakuha ng “unsatisfactory rating” samantala ang nakuhang rating o grado ng korporasyon ay Very Satisfactory. Kabalintunaan ang nakuhang grado ng tanggapan sa dahilan na mayorya ng kawani sa operasyon ang “unsatisfactory” ang grading nakamit mula sa pamunuan ng tanggapan.
O’ sadyang mapanlikha si Mang Berto na nakuhang itaas ang grado ng Phil. Guarantee Corp. gayung hindi mawatas marami sa kawaning gumagalaw sa operasyon ang sala o “unsat” ang gradong nakamit. Tanong, paano nangyari na makamit ang magkabilang grado ng kawani na nagpapaganap at ng tanggapan. At sadyang pinag-iinitan ang mga kawani na ‘di ayon sa kaganapan sa PGC.
Sa pagsasaliksik, tnututulan ng mga kawani ang pagtatalaga bilang regular na kawani ang isang dating consultant na labis ang edad sa pagpasok sa pamahalaan. Ang mabigat maraming sinagasaang kawani na nakalinya sa mga pagtaas sa tungkulin. Hindi inaalis ang kagalingan ng pagtatalaga ng tauhan na malapit sa nagtatalaga, ang ‘di naibigan ang paglalagay ng isang kawani na labis ang edad sa pagpasok sa pamahalaan. Muli, walang pagtutol ang mga kawani sa unang galawan ng pagtatalaga bilang konsultant sa kaibigan ni Mang Berto ngunit sala na italaga bilang regular at VP pa ngani sa gulang na 62 taon.
Sa pagpapalalim, napakapalad ni Mang Berto na-italaga bilang pangulo ng PGC sa panahon ni Mang Kanor ng Davao at ‘di nasumpungan ni anak ti’ Batac at nagpatuloy sa pag-asta bilang pangulo ng banggit na korporasyon. Ang masakit, nahiyangan ang pwestong natanganan at ang pagmamalabis ay naging karaniwan higit sa pagtatalaga ng mga kaibigan. Sa totoo pa rin, ‘di pa usapin ang panunuwag sa mga kawani na ‘di sang-ayon sa pamamalakad. Sino ang aayon sa salang pagtatalaga ng isang taga-labas na konsultant at kara-karaka’y naging VP ng ‘di umabot sa isang taon.
Nasaan ang probation period at pagtatasa gawa ng itinalaga o sadyang malapit kay Mang Berto ang itinalaga. Karagdagan, ‘di nakuhang magreklamo ng mga kawani higit kung lilitaw ang ngalan at baka balikan ng mamang dating magsasaka, magaling sa pagtatanim. Higit na masakit, malakas kuno ni Mang Berto sa pangulo ng bansa. At dito papasok ang pakiusap sa pangulo, alamin ang kaganapan sa PGC at sibakin si Mang Berto na sumisira sa imahe ng pamahalaan.
Sa totoo lang, maraming hinaing at pagmamalabis ang gawa ni Mang Berto sa PGC na ‘di masikmura ng mga kawani at ang pagpapa-abot sa kinauukulan ang ipinadaan sa pitak na ito. Sa nalalapit na panahon, inihahanda ang pagpapasipa sa ilang kawani na ganap ang pagtutol sa pangulo ng PGC nakatanggap ng magkasunod na “unsatisfactory” na grado gayung batid ang galing o husay sa pagtatasa sa mga korporasyon na binibigyan ng ‘accreditation ng PGC. Batid ang dahilan sa pagpapasipa sa ilang kawani sa PGC ni Mang Berto, ang ‘di pagsang-ayon sa itinalagang tauhan ni Mang Berto na sumagasa sa hanay ng mga kawani.
At tila unang masisibak sa halip na si Mang Berto at matandang kaibigan. Sa totoo pa rin, may kahiligan si Mang Berto na pahabain ang serbisyo ng mga retiradong sipsip at pagdaka’y itinatalagang konsultant. At ang karay-karay ni Mang Berto sa pagliliwaliw sa buong kapuluan sa porma ng opisyal na viaje. Karagdagan, naulinigan may kasamang tsitsing sa kanilang silid tulugan na kalaban sa dama o tong-its, hehehe. Hindi banggit ang labas masok na pagtungo sa ibang ng bansa ng mama na sagot ng tanggapan ang tustusin at ang per diem. Malacanan alamin ang kaganapan?
Karangalan at marangal ang magserbisyo sa pamahalaan dahil sa tuwirang kagalingan ng bayan ang layon ng pagbibigay ng serbisyo. Ngunit ang katagang banggit ang ‘di masilip sa maraming opisyal na una ang sarili at kaibigan. Sa hanay o sa loob ng mga tanggapan, silip ang pagkiling ng mga namumuno sa mga higop na kawani na ang tanging galing ang sumipsip at panunupil sa mga kawaning may puna sa pamunuan. Ang kawalan ng pagninilay sa gawa dahil sa kaisipang hari, ang utos ay ‘di mababali. At ang sumuway sa utos ng hari sa kangkungan ang sapit at isan tabi ang Karapatan sa panunungkulan. Sa puno ng Balite sa Malacanan, alamin ang pagmamalabis ni Mang Berto at kagyat na kalusin…
Bilang panghuli, hindi na ibig ipadaan sa GCG ang usapin sa PGC sa bagal ng galaw o di-ibig galawan ang unang ipinaabot na pabatid sa pagmamalabis ni Mang Berto sa tanggapang banggit. Ang pagkakataon na ibinigay sa banggit na sangay ng gobyerno’y tila nag-tengang kawali sa lakas ni Mang Berto sa pamahalaan na ‘di natinag kahit sala ang galaw sa tanggapan. Ang pagpapa-abot sa banggit na pagmamalabis ni Mang Berto ang tuwirang pagsusumamo ng mga kawani na ‘di ibig mawala ang halaga ng pinaghirapan sa maraming taon. Ang ‘di maaayos na pagtatalaga at ang pagmamalabis sa kaban ng PGC ang ipinaabot sa pangulo at inaasahan ang agarang galawan. Hindi titigil ang Batingaw sa pagpapa-abot ng hinaing mula sa hanay ng kawani sa salang pamamahala ni Mang Berto ng Phil. Guarantee Corp.
Maraming salamat po!!!!