Advertisers

Advertisers

KA FREDDIE

0 11

Advertisers

MULI nating naalala ang natatangi at tanyag na composer singer na akin din kaibigang si Ka Freddie Aguilar, nang patugtugin ang kanyang pinasikat na kanta, ang classic song na “Anak” ng isang orchestra sa APEC gala dinner sa Shenzhen, China noong November 18, habang ang Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ay pumapasok sa piging.

Ginawan pa agad ng isyu ng mga malilikot ang pag-iisip ang pagpapatugtog ng kantang “Anak” at sinadya raw ito ng mga Tsengwa para patamaan si PBBM. Siyempre sila lang ang ganoon mag-isip sa kaganapang iyon sa APEC.

Sa ganang akin, iconic na ang kantang “Anak” ni Ka Freddie. Inilalarawan nito ang totoong buhay ng ilan sa ating mga kababayan. Di na natin kailangan pang pagtalunan ito sa social media, kung saan marami ang nangutya sa pagpapatugtog ng nasabing kanta.



Di na rin mahalaga, kung dapat ay nangelam ang embahada ng Pilipinas kung ano ang nababagay na patugtugin habang ipinakikilala ang First Couple.

Dahil nga may nangutya, meron siyempreng sasalag. Gaya ng aking mga kaibigan na kilala rin sa musika na si Anthony Castelo at mahilig rin kumantang abogado na si Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Larry Gadon.



Sabi ni Castelo, nadismaya man siya sa nagpihit ng kahulugan ng pagpapatugtog ng mga Tsengwa sa kantang “Anak”, dapat ay inilalagay ng mga kritiko sa kanilang isip, ang kahulugan ng kanya ni Ka Freddie.

Bagamat alam niyang paninira lamang kay PBBM ang mga naglabasan sa social media, mahalaga raw na isipin kung paano naipakilala ni Ka Freddie ang kultura ng bansa sa buong mundo.



Tama nga naman, dahil nasalin sa iba’t ibang wika ang kanyang “Anak” ni Ka Freddie. Ibig sabihin hinangan ng gusto ito ng buong mundo.

Ito rin ang maniniwala ni PAPA Gadon, aniya, naisalin sa mahigit 80 languages at bumenta ng mahigit 50 million copies ang kantang iyon ni Ka Freddie sa buong mundo.

Dagdag pa niya, dahil sa kasikatan ng ANAK , palagi itong naiuugnay sa mga Pilipino, sa bansang Pilipinas bilang pagkilala sa mayaman na kultura ng bansa lalo na sa musika.

Kaya di big deal, ang ano mang isyu sa kantang ito na ginamit para ipakilala sina PBBM at ang Unang Ginang sa APEC gala dinner na iyon. Ang dudumi kasi ng isip ng iba nating kababayan, lalo na using mga anti-PBBM.