Advertisers

Advertisers

Kris todo-deny na nakabuntis at ikakasal na si Joshua

0 384

Advertisers

Ni JULIET PACOT

PAREHONG may kumakalat na tsismis ngayon sa mag-inang Kris at Joshua Aquino na agad inalmahan ng kampo ng una.

Nagulat at pinabulaanan ng mga alipores ni Kris ang inilabas ng isang Youtube entertainment news channel na video umano tungkol sa panganay na anak ni Kris kay Philip Salvador.



Tsikang nakabuntis si Joshua at ikakasal umano ito sa girlfriend nito.

Ayon pa sa tsika, ang aktres daw ang bahala sa gastos sa kasal at maging sa bahay na titirhan ng bagong kasal.



Wala lang daw magawa ang mga tao sa content nila kaya kung anu-ano ang pinakakalat na balita.

Sa isa pang tsika, deny-to-death naman si Kris sa tsismis na nakikipag-date uli ito kay Batangas Vice Governor Mark Leviste.



Naispatan umano si Mark sa ibaba ng lobby ng tinutuluyan ng mag-iina sa Bonifacio Global City na matiyagang nag-aantay kay Kris para sa isang dinner date.

Ayon kay Kris, pahinga muna siya sa lovelife dahil nakapokus siya sa kanyang kalusugan.