Advertisers

Advertisers

Angeline hinamon si Vice Ganda sa paramihan ng pinaretoke

0 282

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TRENDING ang naging paggue-guest ni Angeline Quinto sa Kapamilya noontime variety show na “It’s Showtime” dahil hindi na naman siya tinantanan ni Vice Ganda sa panggu-gudtaym.

Sa nasabing episode, nagbiro kasi ang TV host-comedian tungkol sa hitsura ng singer sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng nasabing programa.



Nakilala kasi ni Angge ang contestant na nagngangalang Ara Bautista na dati na niyang nakatunggali sa amateur singing contests noong nagsisimula pa lang siya bilang singer.

Nag-react naman si Vice at sinabing: “Mahirap na matandaan si Angeline, Magulang nga nya hindi na masyadong… anak ikaw ba ito? Parang iba e.”



Idinepensa naman ni Angeline ang sarili at sumagot kay Vice na: “Hoy, grabe ka! Kaysa naman ikaw, kung titingnan ang hitsura mo dati. Ano ang mas malala sa atin?”

“Nagpagawa ako?” hirit ni Vice.



Sa puntong ito, hindi na napigilan ni Angeline na hamunin ang Unkabogable Star na ilantad ang bilang ng kanyang mga ipinaretoke.

“Kalahati ng mukha! Oh ano, aminan? Magtanong tayo kay Dr. Belo ng record, sige!” hamon ni Angge.

“Kalahati talaga, Angeline? Sorry, three-fourths!” game na sagot ni Vice.

Marami naman ang pumuri sa magkaibigan na sa kabila ng okrayan ay hindi nagkakapikunan.

Ito ang mga komento ng netizens:

“Super close na tlaga nilang dalawa…”

“Ang saya saya talaga pag nag uusap si Vice at Angeline. Okrayan to da max!!!”

Sina Angeline at Vice ay ilan sa celebrities na hindi ikinahihiyang sumailalim sa enhancement procedures.