Advertisers

Advertisers

Bilang ng nagpabakuna ng Sinovac sa unang 2 araw… HIGIT 2,700 LANG!

0 637

Advertisers

KINUMPIRMA ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na nasa 2,793 na health workers ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 na Sinovac simula nang umpisahan ng pamahalaan ang vaccination program noong Lunes.
“Meron na po tayo from 11 hospitals, meron na po tayong 2,793 na na-inoculate as of 19:33 (7:33 p.m.) kagabi (Martes),” ani Galvez sa isang panayam.
Sa lahat aniya ng nabakunahan, 12 ang nakaranas ng minor adverse effects.
Ayon kay Galvez, mayroon naman 154 na nakatakdang bakunahan ang hindi natuloy dahil sa high blood pressure at iba pang medical condition ng mga ito.
Dumating sa bansa ang 600,000 doses ng CoronaVac na donasyon ng bansang China sa Pilipinas noong Linggo ng hapon.
Inaasahan naman na magsisimula na rin ang pagbabakuna sa Cebu City at Davao City ngayong linggo matapos ipadala doon ang mga bakuna.
Target ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng healthcare workers ngayong buwan ng Marso. (Josephine Patricio)