Advertisers

Advertisers

Paliwanag ng DILG sa pagtanggal sa travel permit at quarantine

0 272

Advertisers

IDINEPENSA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang pasya na tanggalin at luwagan ang ilang mga health protocols at requirements sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nilinaw ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement ng national government bagkus ito lamang ay sa mga lokal na pamahalaan.
“We wish to clarify that the PCR test was never a requirement by the national government. It was some LGUs who required it. Now, under the new protocols, the PCR test may still be required by the LGU of destination,” ayon kay Malaya.
“Travelers just need to check with their LGU if it’s required. But please take note that LGUs can only require the RT-PCR test and cannot require the Antigen or rapid tests as requirement for travel,” sinabi pa ni Malaya.
Sa pag-alis naman ng quarantine requirement, binigyang-diin ni Malaya na kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi nila na hindi na oobligahin ang mga biyahero na sumailalim sa quarantine.
Tanging mga biyahero lamang na magpapakita ng sintomas ng virus ang isasailalim sa quarantine sa mga nakalaang pasilidad sa mga LGU.
Una rito, binatikos ni Vice President Leni Robredo ang pag-alis sa quarantine at testing protocols, at inihayag na posibleng mauwi ito sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Pero ayon kay Malaya, wala raw sa lugar ang banat na ito ng pangalawang pangulo.