Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SANAY man sa magulong paligid sa loob at labas ng showbiz world, aminado si Gabby Concepcion na nami-miss niya ang buhay-probinsiya na tahimik ang kapaligiran at bukod tanging ingay lang ng mother nature ang naririnig.
Dagdag pa rito ang lock-in taping ang new normal way sa paggawa ng teleserye na tila nakakulong sila sa isang lugar na maingay pag walang taping.
Busy ang aktor sa “First Yaya” nila ni Sanya Lopez at may schedule na for TV airing ngayong Marso.
Say ni Gabby, sa ikalawang lock-in taping nila ay na-miss niya nang husto ang kanyang buhay probinsiya kaya’t nang mag-break na sila ay agad siyang umuwi sa Batangas.
“I’m glad to be back in Lobo for a brief break from taping. Looking forward to our next lock-in this coming end of March” say ni Gabby.
Tanong tuloy ng fan ni Gabby kung nasa loob ba siya ng kanyang tahanan sa probinsiya, hindi na kaya siya lumalabas, as in taong bahay lang talaga ang aktor?
“Sa gabi ako gumagala, kaya nga Gabby pangalan ko, lol,” masayang say ng aktor.
Masaya na sa kanyang buhay probinsya ang aktor pero may isang hiling sa buhay si Gabby, ang makasama sa kanyang tahanan ang kanyang mga anak.
May kalabuan na maganap ito pero we can never tell, malay mo, one of these days ay magkausap-usap ang magkakapatid at sorpresahin nila ang ama.
***
AT 34 ay wala pa rin napababalitang plano si Angelica Panganiban at ang bagong non-showbiz boypren na si Gregg Homan, hinggil sa kasal.
Hindi pa raw nila napag-uusapan ang mga bagay hinggil sa pagpapakasal. Pero marami namang couples na kahit bago pa rin ang relasyon ay may plano sa kanilang hinaharap na magkasama.
Say nga ng ilang detractors ni Angelica ay mauuwi rin yata sa wala ang relasyon niya ngayon dahil sa mas tutok daw ang aktres sa pagpapayaman kaysa sa kanyang puso.
May movie na natapos gawin si Angelica kasama si Coco Martin na may kaugnayan sa pananalapi at pag-ibig, ang “Love or Money” kaya diretsahang tinanong si Angelica kung mas matimbang ba sa kanya ang salapi kaysa love.
Ang say naman ng Kapamilya actress, simula’t sapul daw nang pumasok siya sa isang relasyon ay puso lagi ang kanyang sinusunod at hindi ang money.
“Ako, ever since, love. Feeling ko kasi ’yung pera pwede kang mangutang, pwede kang magsipag. Pero ’yung love, pinagdarasal mo talaga siya.
“Tama naman ’yung sinasabi ng pelikula namin na kung masipag ka pwede mo kitain ’yung pera. ’Yung love kahit ano’ng sipag mo wala e, di talaga,” pahayag ng aktres.