Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MULA 80’s, 90’s and early 2000 ay si Sharon Cuneta ang nag-iisang reyna ng Viva Films.
Sa entertainment press nga ‘pag si Sharon ang sinulat mo ay marami kang matatanggap na biyaya kaya siya lang ang may hawak ng tronong ito lalo’t lahat ng movies na ginawa ng Megastar sa Viva ay pawang blockbusters.
This year ay balik-Viva si Sharon at makakasama niya sa kanyang comeback movie na gaganap na bestfriend ay si Rosanna Roces at Marco Gumabao bilang leading man.
Yes, masu-surprise kayo kapag napanood niyo ang movie ni Mega na “Revirginized” kung bakit ang sikat na hunky actor ang kanyang katambal sa film na ito na directed by young blockbuster director Darryl Yap. Kaya sa mga detractors ni Sharon, eat your hearts out at bellatt sa inyong lahat no! Samantala, sobrang touced si Rosanna sa mga papuri sa kanya ni Shawie at sa shooting nila sa Subic after take ay tawanan sila nang tawanan nito.
Sobrang blessed daw si Osang at napapaligiran siya ng tamang mga tao base pa sa caption nito sa kanyang larawan na kanyang pinost kahapon sa kanyang Facebook account, “Ganyan ang aura ‘pag napapaligiran ka ng mababait at masasayang tao. Pati mga taong pinapangarap mo lang makasama (Sharon).
“Magiging Maganda pa sa Maganda ang Umaga mo.”
Ito naman ‘yung post ni Shawie na sobrang ikina-touched at flattered ni Osang. “I am excited to work with Osang Ms. Rosanna Roces @therealrosannaroces in my new movie. Napakatotoong tao at napakahusay na artista niya at sa movie namin siya ang lalabas na bestfriend ko!
“Aalis na ako bukas (Feb.28) my dear Sharonians para sa location namin at first shooting day namin sa Monday (March 1)! Excited to work with Direk Darryl Yap-nung kinuwento niya sa akin ang story ng movie namin tawa ako ng tawa, pero naiyak ako sa ending at may kurot sa puso. Ganyan kagaling si Direk Darryl.
“Buti na lang sa panahon ng pandemya na walang sinehan, my platforms tulad ng Viva Max, kung saan lalabas movie namin. Sana po abangan niyo! Masaya at ibang-iba po ako dito! Love you all! Please pray for our safety and protection and the success of our movie. Thank you all, so much (with 3 heart emoticon).”
After ma-post ni Sharon sa kanyang social media account ay agad na dinagsa ng followers niya sa IG o Instagram si Osang, napatunayan na hanggang ngayon ay sikat pa rin ang isang Sharon Cuneta.
Bukod kay Rosanna at actor na anak na si Dennis Cruz (dating Onyok) at Marco ay makakasama rin ni Shawie sa Revirginized sina Albert Martinez at Cristina Gonzales, atbp.
Sa Subic ang location ng shooting nila.
***
Just Like Her Ate Marion…
Cool Cat Ash Gumagawa Na Rin Ng Sariling Pangalan At Todo-Promote Ng Latest Single Na “LOKO”
Nakabibilib naman talaga ang talent ng mag-sister na Cool Cat Ash at Marion Aunor na hindi lang parehong recording artist kundi team din sa kanilang Aunorable Productions na gumagawa ng song writing, mixing production, hanggang mastering.
Yes, lahat ng ginagawang covers ni Marion ay dito ginagawa also ‘yung mga band covers ni Cool Cat Ash. Maging ‘yung mga song na kinompos ni Marion for Sharon Cuneta and Jaya.
Tumatanggap din sila ng video production at ang husay nila sa field na ito. Samantala, todo-promote si Cat Ash ng kanyang latest single na “LOKO” under DNA Music PH. Sunud-sunod ang guesting ng young rock singer (Cool Cat Ash) sa It’s Showtime TFC Online at sa MOR 101.9 program ni DJ Onse na “Live Sa Onsehan Exclusives” at sa MYX Exclusive Interview with DJ Ai dela Cruz.
At sa said zoom interview ay ang sarap ng batuhan nila ni DJ Ai at very jolly person pala ang daughter na ito ni Ma’am Maribel Aunor, na nakaaaliw panoorin.
Pero infairness, ang husay sumagot alam mong well-educated. ‘Yung “MATABA” Music Video ni Cool Cat Ash na mapapanood sa official Youtube channel ng ABS-CBN Star Music ay umabot na sa 22K views and counting.
Marami ang na-inspired sa kantang ito na nagbabawal sa Body Shame kaya tigilan na ang panlalait sa kapwa.