Advertisers

Advertisers

Ginamit na sa 3 ex-gf… Derek gasgas na ang ‘she’s the one’ na linya para kay Ellen

0 380

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MUKHANG mas gusto ng netizens si Andrea Torres kaysa kay Ellen Adarna para kay Derek Ramsay.

Nakuha raw ni Andrea ang simpatiya ng netizens kaysa kay Ellen.



Sa pagtatapat ni Derek ay hindi na raw nito mapigil ang kanyang puso at isipan. Dahil ang tinitibok ng kanyang puso at laging nasa isip ay si Ellen.

Pero ayon sa netizens ay baka hindi na rin magtagal ang relasyong Derek at Ellen dahil madalian ding naging sila.



Ikinaloka naman ng netizens nang sabihin ni Derek na she’s the one na nga raw na ang tinutukoy ay si Ellen.

Pero pumalag at kumontra ang netizens sa kataga ni Derek para kay Ellen na ‘she’s the one’.



Narinig na raw nila sa mga past relationship ni Derek ang ‘she’s the one.’

Nasambit na nga raw ito ni Derek kina Angelica Panganiban, Joan Villablanca at Andrea Torres.

Kaya huwag nga raw bumilib si Ellen dahil maituturing na resiklo or recycle na ang linyang ‘she’s the one’ na masyado nang gasgas sa mga naging karelasyon ni Derek.

***

DAMI namang nakyutan at nagwapuhan kay John Lloyd Cruz sa kanyang new look after ng ilang taon na pagiging long hair na curly.

Goodbye na nga ito sa mahabang buhok kaya sa post nito sa kanyang FB ay talagang maraming humanga sa bagong itsura ni John Lloyd.

Nagpagupit nang maikli si John Lloyd na mas lalong bumagay sa kanya. Nagbalik na naman daw ang kanyang pagiging matinee idol.

Well, well, well…’Yun na!