Advertisers

Advertisers

Alden inisnab ang b-day celebration ni Maine sa EB; Ellen tumangging magpakasal kay Derek

0 230

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

GAYA ng inaasahan, dinagsa ng iba`t ibang cakes ang birthday celebration ni Maine Mendoza mula sa kanyang mga fans, kaibigan at endorsers para sa taped 26th birthday celebration nito sa Eat Bulaga last Wednesday.

Although hindi pa rin pinapayagan ang live audience sa lahat ng programa sa TV ay naging masaya naman ang birthday celebrant dahil nandoon at hindi pa rin nagbabago ang mga nagmamahal sa kanya.



May production number pa si Maine kahit limitado ang kanyang back-up dancers. At siyempre  inabangan ang pasabog na regalo ng boyfriend niyang si Arjo Atayde.

Pero tila dismayado ang diehard fans pa rin nina Alden Richards at Maine dahil wala ang una sa ginanap na celebration nito sa EB. Baka raw busy si Alden sa movie nila ni Bea Alonzo.

Tila ayaw pa rin at hindi matanggap ng ilang fans ng dalawa na kahit man lang daw flowers bilang pagbati sa dating ka-loveteam ay hindi nagawa ni Alden.

Huwag daw sanang kalimutan ni Alden na kung hindi nag-klik ang tandem nila ni Maine ay baka hindi ganyan ang tinatamasa nitong kasikatan.

Anyway, baka naman bumawi si Alden oras na matapos ang mga commitment nito. Who knows baka magbigay si Alden ng special na regalo sa dating ka-loveteam.



***

Si Ellen Adarna na rin daw mismo ang tumanggi na magpakasal kay Derek Ramsay. Naniniguro at gusto raw muna ng controversal sexy actress na mapagtanto muna kung talagang seryoso na sila ni Derek na magpatali sa isa`t isa.

Pero ang nakatatawa ay kapag napag-uusapan ang love affair nina Ellen at Derek ay hindi ang pagiging sweet ng isa`t isa ang topic.

Pinagtatalunan kung hanggang kailan daw `magsasawa` si actor kay actress.

Ang tingin kasi ng karamihan kay Derek ay hindi kuntento sa isang putahe at kapag nagsawa na ay iiwanan o kakalasan na ang pobreng babae.